February 07, 2026

Home BALITA Probinsya

Bangkay ng hinihinalang NPA, nadiskubre ng militar kasama ng iba pang mga armas

Bangkay ng hinihinalang NPA, nadiskubre ng militar kasama ng iba pang mga armas
Photo courtesy: Contributed photo

Nadiskubre ng mga sundalo ng 83rd Infantry Battalion (83IB) ng Philippine Army, katuwang ang Philippine National Police (PNP), ang bangkay ng isang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa isinagawang operasyon sa Barangay San Sebastian, Lagonoy, Camarines Sur.

Ayon sa mga ulat, bandang 6:00 ng umaga nang unang matagpuan sa lugar ang ilang kagamitang pandigma kabilang ang isang M16 rifle, isang M203 grenade launcher, mga anti-personnel mine at mga magazine ng bala. 

Matapos ang halos dalawang oras na paghahalughog sa paligid, natuklasan din ang bangkay ng nasabing indibidwal.

Sinabi ng 83IB na pinaniniwalaang inilibing ng mga rebelde ang mga armas at ang katawan matapos ang naganap na engkwentro noong Disyembre 23, 2025 sa Sitio Baliwag, Barangay Burabod, kung saan limang hinihinalang rebelde rin ang nasawi.

Probinsya

Grade 12 student, nagpatiwakal sa loob ng paaralan!

Inihayag ng militar na nakatakdang ibalik ang labi sa pamilya ng nasawi upang mabigyan ito ng maayos na libing.

Samantala, nitong Linggo ay sumuko rin ang isang mag-asawang opisyal ng NPA na umano’y kumikilos sa mga lalawigan ng Camarines Norte at Camarines Sur.

Muling nanawagan si 9th Infantry Division Commander Major General Aldwine Almase sa mga natitirang rebelde na talikuran ang armadong pakikibaka at makipagtulungan na sa pamahalaan.