February 06, 2026

Home BALITA National

Unemployment rate sa bansa, pumalo ng mahigit 2M noong Nov-Dec 2025

Unemployment rate sa bansa, pumalo ng mahigit 2M noong Nov-Dec 2025
Photo courtesy: via MANLA BULLETIN

Nagkaroon ng pagtaas ang bilang ng  mga Pilipinong walang trabaho, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) Labor Force Survey.

Sa press briefing ni National Statistician at PSA Chair Clair Dennis Mapa, pumalo ng 2.2 milyon ang bilang ng mga walang trabaho mula edad 15 taong gulang pataas.

Mas mataas din ito sa 1.63 milyong naitala noong Disyembre 2024.

Batay sa porsiyento ng 51.69 milyong kalahok sa labor force—na aktibong naghahanap ng mga oportunidad sa trabaho sa nasabing panahon—ang bilang ng mga walang trabaho ay katumbas ng unemployment rate na 4.4%, kapareho ng naitala noong Nobyembre 2025 at mas mataas kumpara sa 3.1% noong Disyembre 2024.

National

PBBM, 'happy' sa pagbabasura ng impeachment complaint laban sa kaniya

Samantala, tiniyak naman ng Department of Economy, Planning and Development (DEPDev) na mananatili raw aktibo ang pamahalaan sa pagbibigay ng mga oportunidad na tutugon sa patuloy na pagtaas ng unemployment rate sa bansa.