February 06, 2026

Home BALITA National

Pebrero 25, pinanawagang gawing ‘academic holiday’ sa mga paaralan

Pebrero 25, pinanawagang gawing ‘academic holiday’ sa mga paaralan
Photo courtesy: Santi San Juan/MB

Ipinanawagan ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines’ Episcopal Commission on Catholic Education (CBCP-ECCE) ang deklarasyon ng Pebrero 25 bilang “academic holiday” sa mga katolikong paaralan sa bansa. 

Sa ibinahaging joint statement ng CEAP at CBCP-ECCE noong Martes, Pebrero 3, layon ng panawagan na ito na hikayatin ang mga paaralan na magdaos ng mga makahulugang gawain tulad ng misa at youth forums na tatalakay sa katotohanan at hustisya, bilang komemorasyon sa ika-40 anibersaryo ng People Power Revolution. 

“Students and the youth, as heirs of democratic space, must cultivate the knowledge, values, and resolve to challenge injustice, misinformation, and authoritarian tendencies,” saad ng CEAP at CBCP-ECCE sa kanilang pahayag. 

Anila pa, ang naganap na rebolusyon sa EDSA ay hindi lamang komemorasyon, ngunit isang “unfinished movement” na nangangailangan ng aktibong pakikiisa at patuloy na pagmamatyag mula sa lahat ng sektor sa layon na madipensahan ang prinsipyo ng demokrasya, at maitaguyod ang isang bansa na mayroong hustisya, dignidad, at kapayapaan. 

National

ICI, nag-sumite ng report mula Setyembre 2025 hanggang Enero 2026 kay PBBM!

“May the spirit of the People Power continue to guide us in shaping a future worthy of the sacrifice, faith, and moral courage that defined EDSA forty years ago,” saad sa pahayag. 

Matatandaang iba’t ibang grupo na rin ang nagkumpirma na magkakasa ng malawakang kilos-protesta sa darating rin na Pebrero 25. 

MAKI-BALITA: Iba't ibang grupo, kumpirmadong magkakasa ng 'anti-corruption rally' sa Feb. 25

Ang People Power Revolution I ay idinaos noong Pebrero 25, 1986 bilang malawakang protesta para sa pagbabalik ng demokrasya sa bansa. 

Bagama’t dinaluhan ng milyon-milyong Pinoy, nakilala ang People Power I bilang “peaceful and bloodless revolution.” 

Sean Antonio/BALITA