February 06, 2026

Home BALITA Probinsya

Lalaki, halos maputol ang daliri matapos saksakin ng pinagkakautangan

Lalaki, halos maputol ang daliri matapos saksakin ng pinagkakautangan

Sugatan ang isang tricycle driver matapos siyang undayan ng saksak ng kapuwa driver sa Antipolo, Rizal.

Ayon sa mga ulat, hinarang ng 51 taong gulang na suspek ang 41 taong gulang na biktima habang nagmamaneho ng tricycle.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, mataas ang emosyon ng suspek nang harangin niya ang biktima dahil hindi umano ito nakakabayad ng utang sa kaniya.

Tinatayang nagkakahalaga ng ₱5,000 ang utang ng biktima sa suspek.

Probinsya

Estudyanteng papasok ng eskwelahan, tumilapon at nagulungan ng truck!

Ayon sa imbestigasyon, may dalang kutsilyo ang suspek na agad sinaksak ang biktima kung saan napuruhan nito ang daliri nito sa kamay. Bunsod nito, napilitang dumipensa ang biktima gamit naman ang tubo mula sa kaniyang tricycle.

Mabilis silang naawat ng nagpapatrolyang grupo ng barangay.

Depensa ng suspek, makailang beses na raw siyang tinatakbuhan ng biktima kaya naipon na raw ang inis nito sa kaniya.

Samantala, mabilis namang naisugod sa ospital ang biktima na kasalukuyan nang nagpapagaling. Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong attempted homicide.