February 06, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Kung ayaw masilip manatili sa pribadong lugar! Ogie Diaz pinayuhan sina Kathryn Bernardo, Mark Alcala

Kung ayaw masilip manatili sa pribadong lugar! Ogie Diaz pinayuhan sina Kathryn Bernardo, Mark Alcala
Photo Courtesy: Ogie Diaz (FB), Screenshot from TikTok

Nagbigay ng paalala si showbiz insider Ogie Diaz sa rumored couple na sina Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo at Lucena City Mayor Mark Alcala.

Matatandaang naispatan na naman ang dalawa na magkasama umano sa isang mall kamakailan batay sa mga kumakalat na video clip. 

Maki-Balita: Kathryn at Mayor Mark, namataan daw na naglalakad nang magkasama sa mall

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Huwebes, Pebrero 5, nahagip din sa usapan nina Ogie at iba pa niyang co-host ang tungkol sa umano’y pagkagalit ni Mark sa owner ng resort sa Batangas matapos kumalat ang tsikang tumuloy sila doon ni Kathryn.

Relasyon at Hiwalayan

'As a solo parent:' Gee Canlas, hiwalay na nga ba kay Archie Alemania?

“Parang nai-post yata o nai-announce na nando’n sila ni Kathryn. Tapos, mayro’n pa silang walking-walking sa mall na dalawa sila,” anang showbiz insider.

Kaya payo ni Ogie, “[K]ung gusto n’yo talagang magkita at ayaw n’yong may makakasilip o ayaw n’yong may makakapag-video na ibang tao, siguro manatili kayo sa isang pribadong lugar.”

“Para kayong lang dalawa ang nagkakaalaman at hindi n’yo kailangang mag-facemask,” dugtonng pa niya.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa ring inilalabas na reaksiyon o pahayag sina Kathryn at Mark tungkol sa real-score sa pagitan nilang dalawa.

Matatandaang unang naiulat sa Philippine Entertainment Portal (PEP) ang tungkol sa umano’y panliligaw ni Mayor Alcala kay Kathryn noon pang Hulyo 2024.

Maki-Balita: Lucena Mayor Mark Alcala, bagong manliligaw ni Kathryn Bernardo?