February 06, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Kulong sa sistema!' Mark Herras, umiyak; fellow celebs, nag-alala!

‘Kulong sa sistema!' Mark Herras, umiyak; fellow celebs, nag-alala!
Photo courtesy: Mark Herras/IG


Naalarma ang ilang mga kaibigan at katrabaho ng actor-dancer na si Mark Herras matapos mapanood ang latest social media update nito.

Makikita kasi sa ibinahaging Instagram (IG) post ni Mark noong Huwebes, Pebrero 5, na umiiyak at tila balisa ang aktor.

“Kulong sa [s]istema,” saad ni Mark sa kaniyang post.

Mapapanood din sa naturang video na dinadaan na lamang ng aktor sa paninigarilyo ang umano’y pinagdaraanan nito.

Dahil sa pag-aalala, hindi napigilan ng mga kaibigan ni Mark na ipaabot ang kanilang suporta at dasal para sa kaniya.

Photo courtesy: Mark Herras/IG

Tsika at Intriga

Mag-ex jowang sina Paul Salas, Mikee Quintos naispatang magkasama



Samantala, wala pang pahayag si Mark kaugnay sa kaniyang sitwasyon, kasalukuyang pinagdaraanan, o maging sa tunay na dahilan kung bakit siya lumuluha sa naturang post.

Si Mark ay ang tinaguriang “Bad Boy ng Dance Floor,” dahil sa husay nito sa larangan ng pagsayaw.

Nagsimula rin ang kaniyang pagsikat matapos manalo sa unang edisyon ng reality competition program na “StarStruck.”

Vincent Gutierrez/BALITA