Umabot hanggang Switzerland ang init na dala ng alindog ni dating Kapamilya star Andrea Brillantes.
Sa latest Instagram post ni Andrea nitong Biyernes, Pebrero 6, ibinahagi niya ang serye ng kaniyang mga larawan na nakasuot ng winter jacket habang nakadungaw ang kaniyang cleavage.
“Well, hello Switzerland,” saad niya sa caption.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"wowwwww"
"Di kaden talaga papatalo"
"DEYYMM"
"Time to break the internet again"
"ETO NABA SI ELSA?!"
"BLYTHE, THE WOMAN THAT YOU ARE!!!!!! "
"Living doll"
"Wala naaaaa, natunaw na ang yeloooo "
"naka naka ko yan o! "
"HOTTIANAAAAA MARIEEEE"
Samantala, kapansin-pansin din ang bagong blonde niyang buhok para sa kaniyang gagampanang karakter sa upcoming series ng TV5 na “A Secret in Prague.”
Makakasama ni Andrea sa nasabing serye sina Enrique Gil, Cedrick Juan, at Kim Domingo.
Maki-Balita: Hindi Kapuso: Andrea Brillantes, certified Kapatid na!