Tila wala umanong ibang kahilingan si dating Vice President at kasalukuyang Naga City Mayor Leni Robredo kundi ang ikabubuti ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., para na rin umano sa ikabubuti ng bansa.
Ayon sa naging panayam kamakailan sa Beyond The Game ng Bilyonaryo News Channel kay Robredo, inamin niyang nalulungkot daw siya sa nangyayari sa politika ngunit hangad niya pa rin ang ikabubuti ng Pangulo.
“It’s sad what is happening to the country lalo na sa politika,” pagsisimula niya, “And even [that] I lost, talagang in all honesty, I wish the President well.”
Ani Robredo, talaga raw na hiniling niya noon nang matanggap niya ang kaniyang pagkatalo na magtagumpay si PBBM sa kaniyang pamumuno bilang Pangulo dahil magiging tagumpay rin daw ito ng bansa.
“From the moment that I accepted the defeat, talagang I want him to succeed because his success will be the success of the country naman, e,” aniya.
Anang mayora, hindi pa rin daw niya maiwasang malungkot sa mga nangyayari ngayon sa bansa at hindi niya maiwasang makaramdam ng kawalan ng pag-asa.
“So ako, nalulungkot ako na nangyayari ito. Nalulungkot ako na it has come to this point. Parang it gives you a sense na kind of helplessness, saan na ba tayo patutungo?,” kuwestiyon niya.
Ngunit sa kabila umano nito, naisip daw niya na mas kailangan niyang pagbutihin ang pamumuno sa lokal na pamahalaan dahil iyon daw ang lakas ng gobyerno.
“Pero at the same time, dahil nasa lokal na ako, at the back of my mind iniisip ko [na] paghuhusayan ko na lang dito parang to demonstrate to the people what is possible,” pagbabahagi niya.
“Kasi I have always believed naman that strength is in the local government,” pagtatapos pa niya.
KAUGNAY NA BALITA: Mayor Leni, Sec Dizon nag-breakfast meeting para sa Naga
KAUGNAY NA BALITA: Supporters ni ex-VP Leni, PBBM pinagsasanib-pwersa ni Trillanes sa 2028
Mc Vincent Mirabuna/Balita