February 06, 2026

Home BALITA Probinsya

Estudyanteng papasok ng eskwelahan, tumilapon at nagulungan ng truck!

Estudyanteng papasok ng eskwelahan, tumilapon at nagulungan ng truck!
Photo courtesy: Contributed photo

Nasawi ang isang batang lalaki matapos tumilapon mula isang sinasakyang tricycle at magulungan ng truck sa Isabela.

Ayon sa mga ulat, sakay ang biktima sa isang tricycle na noo’y papasok na sana ng eskuwelahan. Sinasabing kasunod ng tricycle ang dalawang truck kung saan isa sa mga ito ang nakabundol sa kanila.

Ayon sa mga awtoridad, bahgyang bumagal ang takbo ng tricycle upang pumasok sa eskuwelahan nang mag-overtake ang isang truck na nasa likuran ng isa pang truck na nakasunod sa kanila. Doon na raw tuluyang nasalpok ang tricycle.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima at nagulungan pa ng nasabing truck na nag-overtake.

Probinsya

Lalaki, halos maputol ang daliri matapos saksakin ng pinagkakautangan

Sugatin din ang iba pang sakay ng tricycle kabilang ang ina ng biktima.

Samantala, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang driver na nakasagasa sa biktima. Nangako rin ang pamunuan ng kompanya ng suspek na sasagutin ang lahat ng kailangan ng pamilya ng biktima para sa kaniyang pagpapalibing.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi pa nakakapagdesisyon ang pamilya ng biktima kung magsasampa sila ng reklamo laban sa driver ng truck.