Nasawi mula sa pagguho ng lupa ang isang pamilya sa Cagayan De Oro noong Huwebes, Pebrero 5, dahil sa malakas na pag-ulan dala ng bagyong Basyang.
Base sa mga ulat, ang nasabing pamilya ay binubuo ng apat na miyembro na natabunan ng gumuhong lupa sa kanilang bahay sa Brgy. Sambulawan, Agusan, Cagayan de Oro City.
Ang mga biktima ay ang mag-asawa na may-ari ng bahay at kanilang mga pamangkin na 13-anyos at 11-buwang gulang sanggol.
Kinumpirma rin ito ng Police Regional Office 10 (PRO10) sa GMA News Online nitong Biyernes, Pebrero 6, at sinabing bagong gawa ang bahay kung kaya’t mahina pa ang mga estruktura nito.
Samantala, as of 11:00 AM, humina na ang Bagyong Basyang.
MAKI-BALITA: 'Basyang,' humina; wind signal no. 2, inalis na
Sean Antonio/BALITA