February 05, 2026

Home BALITA Politics

Sen. Loren, tinalakan Senate reporters; mas inuurirat pa Senate leadership kaysa culture and arts

Sen. Loren, tinalakan Senate reporters; mas inuurirat pa Senate leadership kaysa culture and arts

Tahasang pinuna ni Sen. Loren Legarda ang grupo ng Senate reporters na nang-corner sa kaniya sa pag-asang makunan siya ng pahayag hinggil sa umuugong na pagpalit umano niya bilang Senate President.

Sa ambush interview sa kaniya ng media nitong Huwebes, Pebrero 5, 2026, tila napagsabihan ni Legarda ang Senate reporters hinggil sa mainit umano nilang interes sa usapin ng politika sa Senado, kumpara kung paano raw nila binibigyan ng katiting na interes ang usapin ng kultura at sining sa bansa.

“I was here the whole time, bakit hindi n'yo koni-cover yung aking 3-hour hearing on culture and the arts? Ba't hindi ganito kaigting ang inyong interes? On the establishment on the department of culture. That's my passion,” ani Legarda.

Tanong pa niya, “Bakit? Bakit 'pag sa kultura o pati na rin sa climate change o pati na rin sa ekonomiya... Kapag politika, that's your... bakit ganon? Minsan upo tayo. Bakit ganon ang interes n'yo? Puro na lang sa politika.”

Politics

Hanash ni Sen. Migz: Sen. Loren, future Senate President!

Pahabol pang tanong ni Legarda, “Ito ba'y makakapagbago sa guhit ng tinatahak ng ating bansa?”

Matatandaang mainit na pinag-uusapan ngayon ang pangalan ni Legarda hinggil sa nakaamba niyang pag-upo bilang Senate President—at siyang kauna-unahang pagkakataon sa bansa na magiging babaeng Pangulo ng Senado.

Ito ay kasunod ng umugong na banta ng kudeta sa kasalukuyang liderato ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

KAUGNAY NA BALITA: ‘It was the majority!' Liderato ni SP Sotto sa Senado, napanatili pa rin ng mayorya?

Samantala, tila isang pahiwatig naman ang pag-upo ni Sen. Loren Legarda sa upuan ng Senate President at siyang namuno sa pagsuspinde ng sesyon ng Senado nitong Miyerkules at nakatakdang bumalik sa Lunes, Pebrero 9.

Tinawag din ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na “Madam President” si Legarda, sa harap ng mayorya at iginiit na napagkasunduan din ng minority bloc na magbabalik ang sesyon sa Pebrero 9.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Migz Zubiri, tinawag na 'Madam President' si Sen. Loren Legarda