Pinasinungalingan ng Malacañang ang mga usap-usapang papalitan na ang kasalukuyang kalihim ng Department of Tourism (DOT) na si Christina Frasco.
Kasunod ito ng mga haka-hakang nakatakdang humalili si Philippine Sports Commission (PSC) Chairperson Patrick Gregorio sa puwesto ng Tourism Secretary.
Ayon sa pahayag na inilabas ni Presidential Communications Office (PCO) at Palace Press Officer Atty. Claire Castro nitong Huwebes, Pebrero 4, hindi pa raw napagdidiskusyunan ang nasabing usapin.
“As of now, wala pong pinag-uusapang ganyan,” saad ni Castro.
Matatandaang humaharap sa batikos si Sec. Frasco matapos ang tila madalas na paglabas ng kaniyang imahe sa “tourism materials” ng ahensya.
MAKI-BALITA: Sec. Frasco sa isyu sa promo materials ng DOT: 'I'm very visible because I'm simply working'-Balita
MAKI-BALITA: Sen. Raffy kay DOT Sec. Frasco: 'Huwag mong i-promote ‘yong sarili mo!'-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA