February 05, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kitkat, sinupalpal ni Jeremy Favia; biyenan, pinahiya sa umano'y expired na pasalubong?

Kitkat, sinupalpal ni Jeremy Favia; biyenan, pinahiya sa umano'y expired na pasalubong?
Photo courtesy: Jeremy Favia, Kitkat (FB)

Usap-usapan ng mga netizen ang Facebook post ng celebrity chef na si Jeremy Favia matapos niyang sitahin ang komedyanteng si Kitkat, na aniya'y nag-rant post tungkol sa ibinigay na pasalubong sa kaniya ng ina, na mother-in-law naman ng huli.

Batay sa post ni Kitkat na ibinahagi naman ni Jeremy ang screenshot, tila inirereklamo ni Kitkat ang bigay na pasalubong sa kaniya ng isang taong hindi pinangalanan. Sinasabing ang nabanggit na produkto ay nagmula raw sa China.

Mababasa sa post, published as is, "So may pasalubong kami from china (daw) nung isang araw binigay… pagkita ko ngayon Dec 2025 ang expiration! Huy! Baka nakakalimutan mo may baby kami, kadugo mo.. ano ba yan!!!!"

"Pag translate ko sa rokid ai glasses ko eto sabi: Oo— expired na siya."

Tsika at Intriga

Barbie Imperial umaray sa bansag na kabit, third party, mang-aagaw

"Ang nakasulat sa baba ay: 2025 / 12 / 26."

"Sa ganitong format ng Chinese packaging, ito na ang expiry / best before date (有效期)."

"Ibig sabihin: Valid hanggang December 26, 2025 Lampas na tayo sa date na ’yan, kaya expired na siya ngayon," aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from Kitkat (IG) via Jeremy Favia (FB)

Nakarating naman ito sa kaalaman ni Jeremy at sinita si Kitkat na kaniyang sister-in-law.

Aniya, ang tinutukoy raw ni Kitkat ay production o manufacturing date at hindi expiration date.

"Pangalanan mo kasi SORAYA BAÑAS a.k.a. 'Kitkat'," entrada ni Jeremy sa kaniyang Facebook post noong Miyerkules, Pebrero 4.

"Nanay namin yan ni kuya Walby. Na lola ng anak mo. Sana nag fact check ka muna para makita mo na manufacturing date yan. LAHAT kami na nasa trip same ng binili cause that was offered by our tour guide."

"Hindi gagawa ang mama ng ikapapahamak ng apo niya. She even prioritized buying pasalubong than buying things for herself. Next time you jump into MINDLESS conclusions and wash your dirty laundry in public make sure to FACT CHECK and have a sound judgement. This is not the first time na pinahiya mo si mama. Enough is enough. You do this for clout. I do this for MAMA."

"Nag magandang loob na nga yung tao, napasama pa. Diba eto naman yung gusto mo? Yung mapansin ka at mga posts mo? So much hate you pour out that I sincerely pity you. Kailangan mo umabot sa ganito para lang mapansin. Now that you got the attention, HAPPY?" aniya pa.

Photo courtesy: Jeremy Favia (FB)

Makikita naman sa comment section ang komento rito ng isang nagngangalang "Isabel Favia."

"you're so real for this Tito. she brought this upon herself lol facts were ignored, boundaries have always been crossed. this was definitely long overdue. #thinkbeforeyouclick kasi sana hahah Kitkat Kitkat," saad nito.

Maging ang komedyanteng si Inah Evans ay nagkomento rin dito.

Aniya, "Nakakaloka Chef! At ako nahihiya para sa kanya hahaha!"

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Kitkat tungkol sa banat sa kaniya ni Jeremy.