May 22, 2026

Home BALITA National

DSWD, pinabulaanang may pulitika sa pagpapasok ng 4Ps beneficiaries

DSWD, pinabulaanang may pulitika sa pagpapasok ng 4Ps beneficiaries
Photo courtesy: DSWD (FB)

Mariing pinabulaanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mayroong pamumulitikang nagaganap sa pamimili ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). 

“Wala hong politiko na naglilista ng pangalan para sa 4Ps. Hindi ho totoo yun na may impluwensya sila,” saad ni DSWD Sec. Rex Gatchalian sa episode ng kaniyang “Ask Rex Live” sa Facebook noong Miyerkules, Mayo 20. 

Binanggit din niya na tanging ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa pamamagitan ng kanilang Community Based Monitoring System (CBMS) ay may kakayahang makapagbigay ng listahan na magiging basehan ng listahan ng 4Ps beneficiaries. 

“Ang listahan po ng 4Ps ay nanggagaling sa PSA. Mayroon po silang survey na nagsasabi kung sino ang mga mahihirap nating mga kababayan na may mga anak at dapat ipasok sa programa,” ani Gatchalian. 

Saad naman sa pahayag ng DSWD nitong Biyernes, Mayo 22, batay sa listahan ng CBMS sa taong 2026, tinatayang 493,000 pamilya ang inaasahang magpaparehistro bilang mga bagong benepisyaryo. 

National

NBI, tiniyak na aarestuhin kapag namataan si Dela Rosa!

Samantala, binanggit din ng ahensya na magmula pa noong simula ng administrasyong Marcos Jr., higit 1.6 milyong 4Ps household-beneficaries na sa buong bansa ang naka-”graduate” na mula sa programa at itinuturing na ngayong “self-sufficient.”