May 22, 2026

Home BALITA National

PNP Chief Gen. Nartatez, hinikayat sumuko na lang si Dela Rosa

PNP Chief Gen. Nartatez, hinikayat sumuko na lang si Dela Rosa
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

‘HE IS A FORMER POLICE OFFICER… ALAM NIYA NAMAN ANG PROSESO’

Inihayag sa publiko ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., na bukas daw ang kapulisan sakali mang piliin na lang sumuko ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa. 

Matatandaang opisyal na inanunsyo ng Department of Justice (DOJ) noong Huwebes, Mayo 21, 2026, na “enforceable” raw ang inisyung arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban kay Dela Rosa, dahilan para magsimula nang kumilos ang PNP at National Bureau of Investigation (NBI) para hulihin ang senador. 

KAUGNAY NA BALITA: Finding Bato? Sen. Dela Rosa, 'fugitive' na ayon kay DOJ Sec. Vida!

Ayon naman sa naging pahayag ni Nartatez nitong Biyernes, Mayo 22, sinabi niyang alam naman daw ni Dela Rosa ang proseso dahil maganda naman daw ang naging pagseserbisyo ng senador noong aktibo pa ito sa pagiging pulis at lalo na raw noong maging chief ito ng PNP.

National

DSWD, pinabulaanang may pulitika sa pagpapasok ng 4Ps beneficiaries

“He is a former Police officer. Napakaganda ng career niya especially in the fight against crime at maintenance of peace, not only in Mindanao, but in the whole country when he became one-star general brigadier or chief of the Philippine National Police,” pagsisimula niya. 

Diin niya, “Alam niya naman ang proseso.” 

Ani Nartatez, masyado raw kasing malaki ang nagagastos at nagagamit na resources ng PNP sa pagpapatupad ng manhunt kay Dela Rosa. 

“If we can imagine ‘yong paggastos natin, utilize the resources in the conduct of manhunt, in the implementation of warrant of arrest, and other police operations to implement that, it involves a lot of resources,” paliwanag niya. 

Pagpapatuloy ni Nartatez, mas magiging payapa at pinakamaganda raw na paraan ang piliin ni Dela Rosa na sumuko na lang sa mga awtoridad.

“Kung puwede naman siyang mag-surrender, why not? Yield himself. And that is the most peaceful mean at siyang pinakamaganda,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang hindi na muli pang namataan ng publiko ang presensya ni Dela Rosa magmula nang madaling-araw noong Mayo 14, 2026, nang mamamataan ng pulisya sa CCTV footage ng Senado ang pag-alis ni Dela Rosa at pagsakay niya sa sasakyan ni Sen. Robin Padilla. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Bato, bumaba sa Makati noong madaling-araw ng Huwebes—Sen. Padilla

KAUGNAY NA BALITA: 'Walang humarang sa amin!' Sen. Robin, mariing tinangging tinakas niya si Sen. Bato