Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Enero 2026 ang 2.0% inflation rate sa bansa, o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at iba’t ibang serbisyo.
Ayon sa datos na mababasa sa website ng PSA nitong Huwebes, Pebrero 5, makikitang mas mataas ito kumpara sa 1.8% na implasyon noong Disyembre 2025.
Photo courtesy: Philippine Statistics Authority/website
Gayumpaman, mas mababa ito sa naitalang 2.9% sa parehong buwan noong taong 2025.
Photo courtesy: Philippine Statistics Authority/website
Base pa sa impormasyong inilatag ng ahensya, ilan lamang sa “commodity groups” na labis na nakaapekto sa naitalang implasyon sa bansa ay ang “housing,” “electricity,” “gas,” “food and non-alcoholic beverages,” at maging “restaurant and accommodation services.”
Sa usapin ng inflation rate sa bawat rehiyon, bumagal ito sa Metro Manila noong Enero 2026, sa talang 1.9%—mas mababa sa 2.8% noong Enero 2025.
Sa mga lugar naman sa labas ng National Capital Region (NCR), bumaba ito sa 2.0% noong Enero 2026—mas mababa rin sa talang 2.9% sa parehong buwan noong nakaraang taon.
Vincent Gutierrez/BALITA