Ipinagmalaki ng TV host na si Mariel Rodriguez-Padilla ang dalawang paborito niyang senador na nagkasamang nagtatrabaho para sa Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs.
Ito ay walang iba kundi ang kaniyang mister na si Sen. Robin Padilla at kaibigang si Sen. Camille Villar.
Ipinost ni Mariel sa kaniyang Facebook post ang screenshot ng Facebook Live habang nasa video conference ang dalawa.
"Despite all the noise, my two favorite senators are working hard. Robin Padilla Camille Villar," mababasa sa caption ng post ni Mariel.
Photo courtesy: Screenshot from Mariel Rodriguez-Padilla/FB
Ayon naman kay Sen. Robin, pinag-usapan nila sa nabanggit na pulong ang tungkol sa naranasang filing of eviction and demolition cases laban sa mga residente, kabilang na ang Molbog Indigenous People ng Balabac, Palawan.
Makikitang live na nasa Maria Hangin Island, Palawan si Sen. Robin habang nasa video conference naman si Sen. Camille.