February 05, 2026

Home BALITA National

BSP, pinaalalahanan publiko na may parusa pagtutunaw ng barya

BSP, pinaalalahanan publiko na may parusa pagtutunaw ng barya
Photo courtesy: Pexels,BSP

Ipinaalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang pagtunaw ng mga barya at sinumang gagawa nito ay papatawan ng karampatang parusa. 

Sa pahayag ng BSP nitong Huwebes, Enero 5, ibinahagi nila na ang batas na ito ay alinsunod sa Presidential Decree No. 247 na nagsasabing ipinagbabawal ang sadyang pagsira, pagpunit, pagsunog, o pagwasak sa mga perang papel at barya sa Pilipinas. 

Ang karampatang parusa rito ng sinumang lumabag ay pagkakakulong ng hanggang limang taon at multang aabot sa ₱ 20,000.00.00. 

Saad pa ng BSP, ang mga barya ay nararapat gamitin bilang pambayad sa pang-araw-araw na mga transaksyon. 

National

Ayaw na paabantehin? Benny Abante, mas bet expulsion kay Kiko Barzaga kaysa suspensyon

Kaya hinihikayat nila ang publiko na pangalagaan ang integridad ng salapi ng bansa sa pamamagitan ng responsable at tamang paggamit ng mga barya. 

Sa kabilang banda, may serye ng commemorative coin na inilbas ang BSP bilang paggunita sa kultural na mga kaganapan sa iba’t ibang lalawigan ng bansa. 

Isa na rito ang “Sinulog festival” coin noong Enero 2026 at ang “Tan-ok ni Ilocano” coin nito lamang Pebrero 2026 bilang parte ng ika-208 anibersaryo ng Ilocos Norte. 

MAKI-BALITA: ‘Tan-ok ni Ilocano’ coin, mabibili na sa Pebrero 28 at Marso 9

Sean Antonio/BALITA