February 04, 2026

Home BALITA National

Sen. Migz Zubiri, tinawag na 'Madam President' si Sen. Loren Legarda

Sen. Migz Zubiri, tinawag na 'Madam President' si Sen. Loren Legarda
Photo courtesy: Screenshots from Senate of the Philippines/FB

Tinawag na "Madam President" ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri si Sen. Loren Legarda nang panandaliang bumalik ang plenary session ng Senado nitong Miyerkules, Pebrero 4.

Si Legarda ang nag-adjourn o nagsuspinde ng sesyon, na dinaluhan naman ng majority bloc. Hindi naman nakita ang mga miyembro ng minority bloc nang suspindehin ni Legarda bilang presiding officer. Sinabi naman ni Zubiri na may kooperasyon mula sa minority ang pag-adjourn ng sesyon.

Babalik ang sesyon ng Senado sa Lunes, Pebrero 9, sa ganap na 3:00 ng hapon.

"Thank you very much Madam President," saad pa ni Zubiri.

National

'Walang merito!' Palasyo ikinatuwa pagbasura sa impeachment complaints vs PBBM

Makikita naman si Senate President Tito Sotto III sa bandang likuran ni Zubiri habang nakangiting tinitingnan si Legarda.

Matatandaang matunog ang pangalan ni Legarda na siya raw magiging lider ng Senado at umano'y papalitan ang kasalukuyang Senate Presidency mula kay Sotto.

Kung mangyayari ito, siya ang magiging kauna-unahang babaeng Senate president sa kasaysayan ng Pilipinas.

Samantala, binanggit naman ni SP Sotto na totoong nagkaroon ng pagtatangkang magkaroon ng kudeta sa liderato ng Senado subalit napigilan ito ng majority bloc.

Kaugnay na Balita: ‘It was the majority!' Liderato ni SP Sotto sa Senado, napanatili pa rin ng mayorya?

Winalis naman ni Sen. Kiko Pangilinan ang mga kumakalat na ulat na nagkasundo umano sina Legarda at Sotto sa "term-sharing."

Kaugnay na Balita: 'Biro lang yun!' Umano'y term sharing ni SP Sotto at Sen. Loren, itinanggi ni Sen. Kiko