February 04, 2026

Home BALITA National

Rep. Sandro, isinusulong sa Kamara 'immediate abolition' ng travel tax

Rep. Sandro, isinusulong sa Kamara 'immediate abolition' ng travel tax
Photo courtesy: Sandro Marcos/FB


Isinusulong ni House Majority Leader at presidential son Sandro Marcos ang pagsasabatas ng panukalang alisin na ng travel tax sa bansa.

Base sa House Bill (HB) No. 7443 na isinumite ni Rep. Sandro noong Enero 27, 2026, ninanais ng panukalang ito na alisin na ang kasalukuyang travel tax upang paigitingin ang “constitutional right to travel” ng bawat indibidwal at para sa ikalalago ng ekonomiya ng Pilipinas.

“This bill proposes the immediate abolition of the travel tax to uphold the constitutional right to travel and to stimulate economic growth,” mababasa sa explanatory note ng panukala.

Ayon pa sa panukala, matagal nang parte ng “regulatory framework” ng bansa ang travel tax—ngunit tila hadlang umano ito sa “demand,” “tourism growth,” at “mobility.”

Gayunpaman, ang pag-abolish daw ng nasabing buwis ay magreresulta sa mas madalas na domestic at international travels, at “stimulation” ng tourism-dependent sectors gaya ng hotels, transportation services, tour operations, at retail establishments.

“Lower travel costs will likewise expand opportunities for cultural exchange by enabling more Filipinos to access domestic and international destinations,” anang panukala.

Dagdag pa nito, “Finally, the bill directs the national government to fund TIEZA, CHED, and NCCA through the General Appropriations Bill. This safeguards the continuity of essential programs without burdening the traveling public.”

Samantala, nauna nang inihain ng presidential son ang HB 7432, o ang panukalang “no work, no pay scheme” para sa mga mambabatas—kung saan pasasahurin sila base sa kanilang attendance.

Layon ng panukalang ito na tiyaking nagagastos ang pondo ng bayan sa mga politikong ginagawa ang kanilang trabaho at responsibilidad.

MAKI-BALITA: 'No work, no pay' sa mga mambabatas, isinusulong ni Rep. Sandro sa Kamara-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA