February 04, 2026

Home BALITA Politics

‘It was the majority!' Liderato ni SP Sotto sa Senado, napanatili pa rin ng mayorya?

‘It was the majority!' Liderato ni SP Sotto sa Senado, napanatili pa rin ng mayorya?
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Nanindigan si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na napigilan umano ng Senate Majority Bloc ang bantang kudeta laban sa kasalukuyang liderato ng Kamara.

Sa ambush interview ng media nitong Miyerkules, Pebrero 4, 2026, nilinaw niyang ang mayorya umano ang nakapagpigil na magkaroon ng kudeta sa Senado at hindi siya.

“It's the majority, not me,” ani Sotto.

Samantala, tila isang pahiwatig naman ang pag-upo ni Sen. Loren Legarda sa upuan ng Senate President at siyang namuno sa pagsuspinde ng sesyon ng Senado nitong Miyerkules at nakatakdang bumalik sa Lunes, Pebrero 9.

Politics

'Biro lang yun!' Umano'y term sharing ni SP Sotto at Sen. Loren, itinanggi ni Sen. Kiko

Tinawag din ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na “Madam President” si Legarda, sa harap ng mayorya at iginiit na napagkasunduan din ng minority bloc na magbabalik ang sesyon sa Pebrero 9.

Kung sakaling matuloy ang umuugong na pagbabago ng liderato sa Senado, si Legarda ang magiging kauna-unahang babaeng Senate President sa kasaysayan ng bansa. Kabilang din ang pangalan ni Sen. Pia Cayetano sa mga matutunog na napipisil na na maging Senate Pro Tempore.