February 04, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Hiwalay na saka umeksena: Barbie pumasok sa buhay ni Richard, wala na sila ni Sarah!

Hiwalay na saka umeksena: Barbie pumasok sa buhay ni Richard, wala na sila ni Sarah!
Photo courtesy: Screenshot from Ogie Diaz Inspires/Richard Gutierrez/Sarah Lahbati (IG)

Isinalaysay ng aktres na si Barbie Imperial kung paano nagsimula ang love story nila ng boyfriend na si Richard Gutierrez, sa latest vlog ni Ogie Diaz na "Ogie Diaz Inspires."

Sey ni Ogie, pinukol ng intriga si Barbie na kesyo siya ang third party sa naganap na hiwalayan sa pagitan ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, dahil pumasok siya sa eksena sa kasagsagan ng isyu ng break-up.

Pero ang totoo raw, pumasok daw sa eksena si Barbie nang hiwalay na ang dalawa.

"Opo, wala na po sila no'n. Hindi ko lang po sigurado Tito [Ogie] kung anong month 'yong eksaktong naghiwalay sila, pero 'yong amin po ni Richard nag-start noong pumunta po kami ng Tipsy Pig, kasi part-owner po ako doon," paliwanag ni Barbie.

Tsika at Intriga

Barbie, bidang-bida si Annabelle: 'Pinagtatabi pa 'ko ng ulam!'

"Pumunta rin po si Richard to support Tipsy Pig for Neil Arce, tapos doon po nagkakilala kami, tapos na-videohan na agad. Nagchichikahan pa lang kami no'n may video na. Tapos kinaumagahan, ang dami nang nagagalit, which is for me naman, it's also valid because 'yong dalawa shared 11 beautiful years," paliwanag pa niya.

"Kung anuman po 'yong naging rason ng hiwalayan nilang dalawa [Richard Gutierrez at Sarah Lahbati], masasabi ko po, at alam ng Diyos po, na hindi po ako 'yon, Tito," pagdidiin ni Barbie.

"Alam po ng buong showbiz 'yan, ng mga nakakakilala kay Richard, kay Sarah, and sa akin, and si Sarah po and si Richard alam po nila pareho kung ano talaga 'yong reason ng hiwalayan po nila, and alam po nila pareho na hindi po ako 'yon, at kung anuman po 'yon, siyempre hindi ko po istorya 'yon..." aniya pa.

Matatandaang natalakay na rin ni Ogie ang tungkol sa pinag-usapang pag-uusap nina Richard at Barbie sa kaniyang vlog na "Ogie Diaz Showbiz Updates," noong 2024.

Kaugnay na Balita: Anong meron? Richard at Barbie, naispatang magkasama sa Alabang

Kaugnay na Balita: Ogie Diaz may isiniwalat tungkol kina Richard Gutierrez at Barbie Imperial