February 04, 2026

Home BALITA Politics

'Biro lang yun!' Umano'y term sharing ni SP Sotto at Sen. Loren, itinanggi ni Sen. Kiko

'Biro lang yun!' Umano'y term sharing ni SP Sotto at Sen. Loren, itinanggi ni Sen. Kiko
Photo courtesy: via Senate of the Philippines

Itinanggi ni Sen. Kiko Pangilinan ang umugong na term sharing sa pagitan sa pagka-Pangulo ng Senado, sa pagitan nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Sen. Loren Legarda.

Sa isang ambush interview, iginiit ni Pangilinan na biruan lang daw ang naturang pagsasalo nina Sotto at Legarda sa liderato ng Senado.

“Wala, biro lang yun,” saad ni Pangilinan.

Matatandaang patuloy na pag-ingay ng nakatakda umanong kudeta sa Senado kung saan inaasahang si Legarda ang nakatakdang ipalit kay Sotto.

Politics

‘It was the majority!' Liderato ni SP Sotto sa Senado, napanatili pa rin ng mayorya?

Kaugnay nito, mariin namang iginiit ni Sotto na napigilan daw ng Senate Majority Bloc ang ang kudeta at siya pa rin ang Pangulo ng Senado.

“It's the majority, not me,” ani Sotto.

Samantala, tila isang pahiwatig naman ang pag-upo ni Sen. Loren Legarda sa upuan ng Senate President at siyang namuno sa pagsuspinde ng sesyon ng Senado nitong Miyerkules at nakatakdang bumalik sa Lunes, Pebrero 9.

Nag-post ng larawan si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa kaniyang X account matapos ang alingasngas ng kudeta laban sa liderato ng Senado Iginiit ni Zubiri na nananatiling matatag at nagkakaisa ang Senate Majority.

“The Senate majority remains strong, united and unflinching under Senate President Tito Sotto, Sen. Migz Zubiri underscored, pushing back against rumors and refocusing the conversation on work, and moving priority measures that matter to Filipinos,” saad ni Zubiri.