Ipinagmalaki ng aktres na si Barbie Imperial ang kasalukuyang estado ng relasyon nila ng mommy ng karelasyong si Richard Gutierrez, na si Annabelle Rama.
Guest si Barbie sa vlog ni Ogie Diaz na "Ogie Diaz Inspires," at sa unahang part pa lang, natanong na siya ni Ogie kung kumusta ba ang relasyon nila ni Bisaya.
Lalo na't may mga nagsasabong sa kanilang netizen na "Barbie versus Annabelle" daw dahil coincidentally, parehong pangalan ng mga manyika ang mga pangalan nila.
Naurirat naman ni Ogie si Barbie kung kumusta ang naging surprised birthday party niya para kay Chard, na dinaluhan ng pamilya ng boyfriend.
Inilarawan ni Barbie si Annabelle bilang "sweet" at "maalaga" na lagi pa raw siyang pinagtatabi ng ulam o pagkain.
"Sobrang sweet po ni Tita Annabelle sa akin saka sobra pong maalaga, parang every time po na may gatherings, pinagtatabi po niya ako ng mga ulam, tapos inuuwi ko, ang sasarap pa naman ng mga inoorder ni Tita Annabelle," saad ni Barbie.
Minsan din, nagpapadala raw ng mga pagkain si Annabelle para sa kaniya.
"Okay po kami, as in okay po kami ni Tita Annabelle," sundot pa ni Barbie.
Natanong din kay Barbie kung noong nagsisimula pa lang sila ni Richard, hindi ba niya naisip na baka "giyerahin" din siya ng nanay nito.
Kilala raw kasi si Annabelle bilang over-protective pagdating sa mga anak niya.
"Actually po, 'yon 'yong pinakaunang concern, sorry po Tita," natatawang pag-amin ni Barbie.
"Iyon din po talaga honestly 'yong pinakaunang concern, medyo natakot po ako, pero Tito [Ogie] sa totoo lang po, parang kung sino pa 'yong 'maldita' 'yong impression ng mga tao, parang siya pa po 'yong sobrang pinaka-warm sa lahat ng naging mom ng mga naging boyfriend ko po," anang Barbie.
"Pero at the same time, palagi pa ring may ano... natatakot pa rin talaga ako sa kaniya, pero si Tita parang palagi niya akong inaalala, kung kumain na 'ko, ganito-ganiyan, mangungumusta, minsan may mga phone call siyang ginagawa, tinutulungan niya 'ko sa career ko, mga gano'n," aniya pa.
Grateful daw siya kay Annabelle na noong una, takot na takot siya, pero nang makilala na, mabait naman daw pala.
"Feeling ko kapag hindi ka niya gusto o may nagawa ka po sa mga anak niya, katulad ng ibang magulang, na poprotektahan 'yong anak, but 'yong kay Tita naman scary talaga, pero feeling ko naman katulad ng ibang mga magulang, na kapag nasasaktan po 'yong anak nila, nandiyan talaga sila to defend," paliwanag pa ni Barbie.
"So ngayon, panatag na loob mo kay Tita Annabelle?" tanong ni Ogie.
"Panatag naman po," natatawang sagot ng aktres.
Feeling din ni Barbie na alam ni Annabelle na pareho silang matapang kaya baka "nagtatantyahan" pa silang dalawa dahil parehong nilang mahal si Richard, at ayaw naman daw nilang mag-clash, dahil ang aktor ang mahihirapan.
Matatandaang kamakailan lamang ay inamin na ng dalawa ang mga kumakalat na espekulasyon tungkol sa kanilang relasyon.
Kaugnay na Balita: Richard Gutierrez, Barbie Imperial kumpirmadong nasa dating stage na
Kaugnay na Balita: No wonder daw! Ruffa, nag-react sa nagsabing love ng pamilya Gutierrez si Barbie Imperial