February 04, 2026

Home BALITA Probinsya

1 buwang gulang na bata, patay matapos ilagay ng ama sa loob ng bag

1 buwang gulang na bata, patay matapos ilagay ng ama sa loob ng bag

Inaresto ng mga awtoridad ang isang 20-anyos na lalaki kaugnay sa pagkamatay ng kaniyang sanggol na anak na babae matapos umanong ilagay ang bata sa loob ng isang bag.

Ayon sa mga ulat, patay na ang sanggol nang matagpuan ng mga pulis sa boarding house ng suspek sa Barangay Cugman.

Batay sa imbestigasyon, hiniram ng suspek ang sanggol mula sa ina nito na residente ng Balingasag, Misamis Oriental, matapos sabihin na ipakikilala umano ang bata sa kaniyang mga magulang.

Nag-ugat ang insidente nang mag-alala ang ina ng sanggol dahil hindi na niya makontak ang suspek, kaya’t humingi siya ng tulong sa pulisya.

Probinsya

Bilang ng mga nawawala sa MV Trisha Kerstin 3, hindi pa rin matukoy; mga nasawi, sumampa na sa 42!

Ayon kay Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) spokesperson Emilita Simon, natagpuan ang labi ng sanggol sa loob ng isang kulay asul na bag na may kasamang mga diaper.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang eksaktong sanhi ng pagkamatay ng sanggol at ang pananagutan ng suspek.