February 03, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sparkle artist Jillian Ward, nagbigay ng ‘hot clues’ sa kaniyang mystery big guy

Sparkle artist Jillian Ward, nagbigay ng ‘hot clues’ sa kaniyang mystery big guy
Photo courtesy: GMA Network (YT screenshot, TikTok screenshot)

Inispluk ni Sparkle actress, Jillian Ward, ang ilang “hot clues” tungkol sa pagkakakilanlan ng lalaki sa kaniyang viral  “Big Guy Challenge” sa social media kamakailan. 

Sa kaniyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Pebrero 3, ikinuwento ni Jillian na na-bored lang daw siya noong mga panahon na nag-shoot sila ng “Big Guy Challenge.” 

Nakailang take pa nga raw sila noon dahil kahit tainga ng kaniyang “mystery guy” ay ayaw niyang ipakita. 

Gayunpaman, ni-reveal pa rin ni Jillian na Pinoy ang big guy sa video niya. 

Tsika at Intriga

'I'm still alive and kicking!' Eddie Gutierrez, pinasinungalingan usap-usapang patay na siya

Aniya pa, kahit nasa showbiz ito at isang public figure, may iba pa itong skills, at nasa 22 hanggang 24 ang edad. 

“Nasa showbiz siya pero hindi lang showbiz ‘yong ginagawa niya. Kumbaga hindi lang siya public figure, may iba pa po siyang skill.” 

Nang tanungin naman kung taga-GMA rin ba ang nasabing lalaki, tinanggihan na itong i-reveal ng aktres. 

Matatandaang nauna nang linawin ni Jillian na hindi niya raw boyfriend ang “mystery guy” na ito noong Enero, ngunit nagpahiwatig siya na nagpapadala ito sa kaniya ng mga bulaklak. 

MAKI-BALITA: Big guy na, matangkad pa! Jillian Ward, nililigawan ng misteryosong boylet sa viral video?

Matatandaan ding naging malaking palaisipan sa netizens ang lalaki na ito, na nag-viral noon lamang ding Enero matapos i-post ng aktres ang entry nila sa nauusong “Big Guy Challenge” sa TikTok, kung saan ibinibida ni “mystery guy” ang kaniyang bicep sa likod ni Jillian. 

KAUGNAY NA BALITA: Da hu? Misteryosong boylet na kasama ni Jiliian sa video, hinulaan ng netizens

Sean Antonio/BALITA