February 03, 2026

Home BALITA Metro

Sanggol binenta ng mga magulang sa presyong ₱27,500; puhunan sa kwek kwek, fishball

Sanggol binenta ng mga magulang sa presyong ₱27,500; puhunan sa kwek kwek, fishball
Photo courtesy: NACC/FB

Nailigtas ng mga awtoridad ang isang dalawang linggong gulang na sanggol matapos mabuking ang umano’y tangkang bentahan ng sariling mga magulang kapalit ng ₱27,500, na balak namang gamitin para sa puhunan ng pagtitinda nila ng kwek kwek at fishball.

Ayon sa ulat, nadakip ang mag-asawa sa loob ng isang mall sa San Jose del Monte, Bulacan matapos magsagawa ng entrapment operation ang Philippine National Police-Women and Children Protection Center noong Lunes, Pebrero 2.

Agad na inaresto ang mga suspek nang tanggapin nila ang marked money na ginamit sa buy-bust operation kapalit sana ng sanggol.

Sa paunang imbestigasyon, lumitaw na balak umanong ilaan ng mga suspek na magulang ng sanggol ang nakuha sanang pera bilang kapital sa binabalak na streetfood business.

Metro

Carnapper natrapik sa EDSA, timbog!

Mahaharap ang dalawa sa iba't ibang kaso dahil sa paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022, at Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Siniguro naman ng National Authority for Child Care (NACC) na agad na nabigyan ng kaukulang atensyong medikal ang sanggol upang masuri ang kalagayan nito.

"The life of a child is invaluable and must never be used as a commodity, and certainly not be exchanged for any amount, regardless of the circumstances," pahayag ni NACC Undersecretary Janella Ejercito Estrada.

"The NACC remains steadfast in upholding every child’s right to identity, and to grow up in a safe, loving and permanent family."

"No individual, or parent/s has the right to exploit a child, much less for financial gain."

"We will ensure that this infant receives the continued care and protection she deserves from the government," mababasa sa kanilang social media post.

Isa lamang ito sa mga insidente ng pagbebenta ng mga sanggol ng mismong mga magulang. Noong Enero, tiklo sa Pasig City ang isang nanay na nagbenta naman ng anak sa presyong ₱8,000.

Nagpaalala rin ang PNP na mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang pagbebenta ng sariling anak.

“Ang anak ay hindi ari-arian na anytime puwede natin ibenta. Kung gusto natin ng adoption, meron tayong dapat lapitan na ahensiya ng gobyerno. Meron tayong legal process for adoption," saad ni PNP-ACG Acting Director Brig. Gen. Wilson Asueta.

Kaugnay na Balita: Presyong ₱8k lang! Nanay, arestado sa pagbebenta ng sariling baby