February 03, 2026

Home BALITA National

PCG Spox Tarriela, pinasalamatan sina SP Sotto, Sen. Ping sa pagpuna sa mga ‘traydor’ na senador!

PCG Spox Tarriela, pinasalamatan sina SP Sotto, Sen. Ping sa pagpuna sa mga ‘traydor’ na senador!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Hindi napigilang magpasalamat ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Jay Tarriela kina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson dahil sa hindi umano nila pagiging “traydor” sa bansa at pagpuna sa ilang mga mambabatas na tila kumakampi sa China. 

Ayon sa naging post ni Tarriela sa kaniyang “X” noong Lunes, Pebrero 2, 2026, makikita ang pagbabahagi niya ng mga sinabi ni Sotto at Lacson tungkol sa umano’y mga mambabatas na tila kumakampi sa nasabing bansa. 

“When you read between the lines, some of the statements are really favoring China, I cannot blame the public if they think that way about them,” saad ni Sotto noong Enero 30, 2026. 

Pahayag naman ni Lacson noong Enero 31, 2026, “Some of them, we definitely know, are pro-China. If they are silent when Filipinos are bullied, but speak up when China is slighted, then they are pro-China.” 

National

'No work, no pay' sa mga mambabatas, isinusulong ni Rep. Sandro sa Kamara

Dahil dito, tahasang pinatutsadahan ni Tariella ang tinutukoy nina Sotto at Lacson at sinabi niyang dapat daw na tawaging “traitor” ang mga nagtatanggol sa China at hindi nagsasalita tungkol sa usapin ng umano’y pagiging agresibo ng China sa PCG vessels at mga mangingisda. 

“If you are a Filipino who says nothing about China’s illegal harassment of our fishermen and its aggressive bullying of our Philippine Coast Guard vessels—yet rushes to defend China whenever its actions are exposed or worst is attack our own position—then you truly deserve to be called a TRAITOR!” mababasa sa caption ni Tarriela. 

Photo courtesy: Jay Tarriela (X)

Matapos nito, nagawang magpasalamat ni Tarriela kina Sotto at Lacson dahil sa pagpuna umano ng mga ito sa pagiging pro-China ng mga kapuwa nila mambabatas. 

“Thank you, Senator @sotto_tito and Senator @iampinglacson, for unflinchingly calling them out as favoring China or pro-China,” pagtatapos niya. 

Samantala, hindi naman direktang tinukoy ni Tarriela ang mga indibidwal o mambabatas na tinawag niyang “traitor” at kumakampi umano sa China. 

MAKI-BALITA: Chinese embassy officials, dapat mapraktis 'good diplomacy' bilang bisita ng ‘Pinas—PCG Spox Tarriela

MAKI-BALITA: 'Pilipino po ba kayo?' PCG Spox, binanatan Pinoy trolls na pumapanig sa China!

Mc Vincent Mirabuna/Balita