February 03, 2026

Home BALITA Metro

Lalaki, pinagtulungan umanong saksakin ng mag-amang kapitbahay!

Lalaki, pinagtulungan umanong saksakin ng mag-amang kapitbahay!

Isang lalaki ang patay nang pagtulungang umanong saksakin ng mag-amang kapitbahay niya matapos na makaalitan ang nakababatang suspek sa Tanay, Rizal kamakailan.

Dead on arrival sa Tanay General Hospital ang biktimang si alyas "Joel," 48, ng Brgy. Kay-Buto, Tanay, Rizal bunsod ng mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Arestado naman ang isa sa mga suspek na si alyas "Jojo," habang nakatakas at pinaghahanap na ng mga awtoridad ang kaniyang anak na si alyas "Ulo," kapitbahay ng biktima.

Batay sa ulat ng Tanay Municipal Police Station, nabatid na dakong alas- 12:05 ng tanghali nang maganap ang krimen sa Brgy. Kay-Buto, sa Tanay.

Metro

Carnapper natrapik sa EDSA, timbog!

Nauna rito, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ni Ulo kaya’t nagsumbong ang huli sa kaniyang amang si Jojo.

Hinanap naman umano ni Jojo ang biktima at nang magtagpo ang kanilang landas ay sinita ito hinggil sa naging away nila ng kaniyang anak, na nauwi sa pananaksak ni Jojo sa biktima.

Nalaman naman umano ni Ulo ang kaguluhang nagaganap ngunit sa halip na awatin ang ama sa pananaksak sa biktima ay tinulungan pa ito, sa pamamagitan nang panununtok sa biktima at pagpigil dito.

Nang makitang duguan na ang biktima ay tumakas ang mga suspek habang isinugod ang biktima sa pagamutan ngunit nasawi rin.

Naaresto rin naman si Jojo sa ikinasang pursuit operation ng mga pulis ngunit nakatakas ang kaniyang anak.