Usap-usapan ng mga netizen ang inupload na video ni "It's Showtime" host at Kapamilya star Anne Curtis, na bukod sa kaniyang pag-emote, ay pinagpiyestahan dahil sa napansin nila.
Flinex kasi ni Anne sa social media post ang ilang mga larawan at video kung saan sinasabi niyang nagsimula ang birth month niya ka-duet si Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid.
"Hello, February. Aquarius szn and my lucky colour. what a way to start my birth month. Performing alongside Asia’s Songbird @reginevalcasid and feeling so much love from all you for the Love Tour. Thaaaaank you…. My new year starts this month," aniya.
Sa isang video, nag-alala ang mga netizen sa napansin daw nilang tila "bukol" sa bandang leeg ni Anne.
Kaniya-kaniyang espekulasyon naman ang mga netizen tungkol dito, at ang ilan ay nagtanong na sa kaniya kung okay ba siya.
"Baka may thyroid sign yata yan.. Ganyan din ako non first born baby.. Just went to Chinese doctor here and take some Chinese pills for few months then thanks its back to normal."
"whats on her neck parang may bump"
"Sabi na may something sa leeg niya e. Not normal. Just noticed"
"I've been noticing your neck. Hope it's fine po."
"Napansin ko siya sa showtime parang tumaba siya at ang leeg niya meron something parang meron siyang hypothyroidism."
"anne ung leeg mo parang my mali sana aus lng.."
May mga netizen na nagtanggol naman at nagsabing baka wrong camera angle lamang ito.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Anne patungkol sa mga pang-iintriga sa kaniyang leeg.