Humirit ng pag-walk out si Manila 6th district Rep. Benny Abante sa pagdinig ng House Committee on Justice sa impeachment complaints na inihain laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Matapos ideklara ng naturang komite na parehong sufficient in form ang dalawang impeachment complaints laban kay PBBM, tahasang iginiit ni Abante na insufficiency umano ng nasabing mga reklamo at sabay walkout.
“It is very clear that there is insufficiency in form, very clear po 'yan. I'm so glad for those colleagues that supported my objection,” ani Abante.
Dagdag pa niya, “And therefore, realizing that this is actually an exercise in futility and waste of the people's money, I therefore would like to walk out of this hearing right now.”
Matatandaang nitong Lunes, Pebrero 2, 2026, nang kapuwa ideklara ang impeachment complaints laban kay PBBM.
Noong Enero 19 nang unang ihain ang kauna-unahang impeachment laban kay PBBM sa pangunguna ni Pusong Pinoy Partylist Rep. Jett Nisay.
Ayon sa paliwanag ni Nisay may kaugnayan ang naturang impeachment sa paglipat ng ₱60 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa national treasury at iba pang mga grounds.
KAUGNAY NA BALITA: Solon, naghain ng impeachment complaint vs PBBM sa Kamara!
Habang matapos naman ang dalawang atempt na maisumite sa House Secretary Geenral, ay matagumpay naihain ng Makabayan Bloc ang ikalawa at huling impeachment laban kay PBBM.
Matatandaang ito ang ikalawang pagkakataon na inihain ng Makabayan Bloc ang ikalawang impeachment complaint laban kay PBBM matapos hindi opisyal na tanggapin ng House Secretary General ang kanilang mga dokumento noong Enero 22.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Di nakakuha ng definite commitment!’ Makabayan Bloc, naipasa na 2nd impeachment complaint kay PBBM