February 01, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kathryn at Mayor Mark, namataan daw na naglalakad nang magkasama sa mall

Kathryn at Mayor Mark, namataan daw na naglalakad nang magkasama sa mall

Muli na namang pinag-uusapan sina Kapamilya Superstar Kathryn Bernardo at napababalitang bagong jowang si Lucena Mayor Mark Alcala habang naglalakad daw at magkasama sa isang mall.

Kumakalat nga sa TikTok ang ilang mga kuhang video at larawan nina Kathryn at Mark, na sumasabay naman din sa sightings na magkasama ang ex-boyfriend na si Daniel Padilla at rumored girlfriend na si Kaila Estrada.

May isang video na makikitang magkasama umano sila habang nasa isang escalator, pero hindi matiyak kung si Kathryn ba talaga ang girl dahil nakasuot ng white face mask at may eyeglasses pa.

Habang si Mayor Mark naman, kung hindi side view ang kuha sa kaniya, nakatalikod naman at may suot pang cap.

Tsika at Intriga

Marjorie may closure, nasa bedside ng ina bago pumanaw: 'Allowed me to heal!'

Video courtesy: @elleeeeee05 (TikTok) via Fashion Pulis

Video courtesy: @user1191657465699 (TikTok) via Fashion Pulis

Kaya naman, nagtatalo-talo ang mga netizen kung sila nga ba ang nakitang magkasama o baka naman fake news lang.

Hanggang ngayon kasi, wala pa ring pag-amin o kumpirmasyon mula sa dalawa kung ano na nga ba ang real score sa pagitan nilang dalawa.

Kaya naman, narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Definitely that’s MMA not Alden! So confirmed na sila. Soft launch na rin sila kasi Kainiel lantad na..Sayang si Alden siguro mas type talaga ni girl yong tipong badboy image.. Darating din ang right girl for Alden."

"tingin ko d sila. ito pero sana nga. kasi kung sila sana may nagpapa picture."

"Si Alden yata yan"

"Even though she's a public property meron din siyang karapatan mamili kung sino gusto niyang makasama kasi tao lang siya."

"gusto n I hard launch ni boy Hindi n nakamask eh...."

Kaugnay na Balita: Kathryn, Mayor Alcala naispatan na namang magkasama?

Kaugnay na Balita: Resto, pinasara para makapag-date sina Mayor Mark at Kathryn?

Kaugnay na Balita: Kathryn Bernardo, iniintrigang kasama si Mayor Mark Alcala sa Australia trip