January 30, 2026

Home BALITA

Cavite bettor, wagi ng ₱32M-jackpot ng Lotto 6/42 ng PCSO

Cavite bettor, wagi ng ₱32M-jackpot ng Lotto 6/42 ng PCSO
FILE PHOTO BY JANSEN ROMERO (MANILA BULLETIN)

Naging instant multi-millionaire ang isang Cavite bettor matapos na maiuwi ang mahigit ₱32 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Huwebes ng gabi, Enero 29, 2026.

Sa isang abiso, sinabi ng PCSO na matagumpay na nahulaan ng lucky bettor na mula sa Carmona, Cavite, ang winning combination na 16-28-08-23-42-20 kaya’t naiuwi nito ang katumbas nitong jackpot prize na ₱32,894,927.40.

Pinayuhan naman ng PCSO ang lucky winner na upang makubra ang kanyang premyo ay magtungo lamang sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City.

Kailangan din umano nitong iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong IDs.

'Tama din po sila:' Vlogger na may-ari ng pinatigil na care facility, tanggap ang desisyon ng DSWD

Nagpaalala naman ang PCSO na ang lahat ng premyong lampas ng ₱10,000 ay papatawan ng 20% tax sa ilalim ng TRAIN Law.

Ang lahat naman ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon, mula sa petsa ng pagbola dito, ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kawanggawa.

Hinikayat din ni PCSO General Manager Mel Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga PCSO games upang mas marami pa silang matulungang kababayan natin na nangangailangan.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.