January 27, 2026

Home SHOWBIZ

Maria Ozawa, binenta suot na panty kay Boss Toyo; pinasinghot pa sa 'ilong ranger'

Maria Ozawa, binenta suot na panty kay Boss Toyo; pinasinghot pa sa 'ilong ranger'
Photo Courtesy: Screenshots from Boss Toyo Productions (YT)

Nagsadya sa tindahan ng negosyante at social media personality na si Boss Toyo ang 

 Japanese adult-film actress na si Maria Ozawa para ipagbili ang panty nito.

Sa latest episode ng “PP Stars Inc.” noong Lunes, Enero 26, sinabi ni Maria na napanood umano niya sa isang episode ng vlog ni Boss Toyo ang pagbebenta ng panty ng sikat na pornstar na si Eva Elfie.

Maki-Balita: May panty na, may yakap pa! Sikat na pornstar, nagbenta kay Boss Toyo

Tsika at Intriga

Kate Valdez, Fumiya Sankai iniintrigang hiwalay na!

“So I was wondering if I can do the same,” sabi ni Maria.

Ayon sa kaniya, lucky charm umano niya ang mismong panty na suot niya na balak niyang ibenta kay Boss Toyo.

"I wear like every time I have an event, or when I first came here to the Philippines, I had a big event, and then I was wearing that,” saad ng Japanese adult-film actress.

Kaya naman pinahubad na ni Boss Toyo ang panty kay Maria upang makilatis. 

Pinresyuhan ng sikat na pornstar ang panty niya sa halagang ₱150,000. Ngunit ibinaba ni Boss Toyo sa halaga nito sa ₱10,000.

Hindi pumayag si Maria dahil masyado raw mura. Hanggang sa nagkasundo sila sa halagang ₱20,500. 

Matatandaang nagsimula ang karera ni Maria sa adult film industry mula sa 2005 hanggang 2010. Isa siya sa mga top adult video star sa Japan.

Sa kasalukuyan, sampung taon na siyang naninirahan sa Pilipinas. Nagkaroon siya ng iba’t ibang proyekto sa bansa gaya ng pagganap niya sa pelikulang “Nilalang” noong 2015 at sa historical drama series ng GMA na “Pulang Araw” noong 2024.

Maki-Balita: David Licauco, nami-miss si Maria Ozawa!