January 25, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Flight hindi fight! Jellie Aw, Jam Ignacio nag-celebrate ng anniversary?

Flight hindi fight! Jellie Aw, Jam Ignacio nag-celebrate ng anniversary?
Photo courtesy: Screenshots from Jellie Aw (IG)

Usap-usapan ng mga netizen ang mga Instagram stories na ibinahagi ng DJ at social media personality na si Jellie Aw kung saan tila nagdiwang sila ng anniversary ng inireklamong ex-boyfriend na si Jam Ignacio.

Makikita sa Instagram story ni Jellie na tila nasa isang airport sila. Makikitang isa-isa nilang ipinatong ang binti nila sa isa't isa, hanggang sa ipinakita na nila ang mga kamay, at passport ng isa't isa. Makikita rin ang kanilang biniling plane ticket.

Mababasa naman sa text caption, "Our Anniversary tradition. We don't buy gifts. We catch flights."

Makikita ring naka-tag dito ang Instagram account ni Jam.

Tsika at Intriga

Will Ashley, Mika Salamanca 'confirmed' na may relasyon?

Kamakailan lamang, naging usap-usapan ng mga netizen ang espekulasyong nagkabalikan na silang dalawa kahit inireklamo ni Jellie si Jam ng pambubugbog, at inireklamo siya sa National Bureau of Investigation (NBI).

Kaugnay na Balita: Matapos ang bugbugan: Jam Ignacio at Jellie Aw, nagkabalikan?

Bago matapos ang 2025, nito ngang Disyembre, nagulantang ang mga netizen sa pagbabahagi ni Jam sa larawan ni Jellie.

Mababasa sa text caption ng larawan, “Shout out sa tao hindi ako iniwan. Alam mo yan kung gaano kita ka mahal. Mahal na mahal kita.”

Agad namang pinuntahan at sinilip ng mga netizen ang social media account ni Jellie.

Tila mas tumibay pa ang espekulasyon ng mga netizen na muli silang nagkabalikan at nagkapatawaran dahil sa post ni Jellie.

Mababasa, "kakatuwa dami nyong Time sa buhay ko, kung c Lord nga nagpapatawad what more pa na tayong anak nya lang?"

Ang sumunod na mga talata ay para naman sa pamimigay niya ng pang-Noche Buena sa sampung mapipiling followers niya.

"GOOD MORNING! GUSTO KO LANG NAMAN MAMIGAY NG GCASH & MAGSHARE NG BLESSING PANG DAGDAG SA NOCHE BUENA BAKIT G NA G YUNG IBA? MASAMA PO BANG MAGPATAWAD?" aniya pa sa isa pang Facebook post.

Kaugnay na Balita: 'Kung si Lord nga nagpapatawad what more pa na tayong anak N'ya lang?'—Jellie Aw

Sumunod, ibinahagi pa ni Jellie ang Facebook post ng isang netizen, kung saan mapapanood ang clip mula sa music video ng awitin ni Britney Spears na "Baby One More Time."

Kaugnay na Balita: Jellie Aw, napa-Britney Spears na lang: 'Hit me baby, one more time!'

Idinaan at sinakyan na nga lang ni Jellie ang mga naglabasang memes patungkol sa kanila ni Jam.

Kaugnay na Balita: 'Bawal pikon dito!' Jellie Aw, 'game' sa round 2 bugbugan kay Jam Ignacio

Hanggang sa kasalukuyan, walang opisyal na pahayag mula sa kampo nina Jam at Jellie kung magsisilbing kumpirmasyon ito ng tunay na pagbabalikan, o simpleng pagpapahayag lamang ng damdamin ni Jam sa publiko.