January 24, 2026

Home BALITA National

₱33.3M-jackpot prize ng MegaLotto 6/45 ng PCSO, paghahatian ng 2 lucky bettors

₱33.3M-jackpot prize ng MegaLotto 6/45 ng PCSO, paghahatian ng 2 lucky bettors
File Photo

Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na dalawang lucky bettors ang maghahati sa mahigit sa ₱33.3 milyong jackpot ng MegaLotto 6/45 na binola noong Miyerkules ng gabi, Enero 21.

Ayon sa PCSO, matagumpay na nahulaan ng lucky winners ang winning combination na 28-12-02-15-23-13 kaya’t napanalunan nila ang katumbas na jackpot prize na ₱33,350,760.40

Nabatid na tig-₱16,675,380.20 ang maiuuwi ng lotto winners na nakabili ng winning tickets sa lotto outlets sa Davao del Sur at Maynila.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ng PCSO ang lucky winners na upang makubra ang kanilang premyo, magtungo lamang sa kanilang punong tanggapan sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City.

National

'Fruits of hardwork!' Sen. Estrada, ikinatuwa ₱800 umento sa sahod ng mga kasambahay

Kinakailangan lamang anila ng mga itong iprisinta ang kanilang lucky tickets at dalawang valid IDs.

Nagpaalala naman ang PCSO na ang lahat ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon, mula sa petsa ng pagbola rito, ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kawanggawa.

Lahat naman ng premyong lampas ng ₱10,000 ay papatawan ng 20% tax, alinsunod sa TRAIN Law.

Muli ring hinikayat ni PCSO General Manager Mel Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang kanilang mga palaro upang magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo, ay makatulong pa sa mga kababayang nangangailangan.

Ang MegaLotto 6/45 ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.