Usap-usapan ng mga netizen ang video clip ng isang netizen kung saan mapapansing tila may pagbabago sa mukha ni General Santos City councilor Michael Pacquiao, anak nina Pambansang Kamao at dating senador na si Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao.
Sa ibinahaging maiksing video clip ni Jamel Avila, makikitang tila nag-uusap sina Michael at mga magulang habang nasa isang gathering.
Sa comment section ng post, mababasa naman ang mga tanong at komento sa kaniya ng netizens.
"wow si Michael ba yan nag iba ang mukha or nagpatangos ng ilong"
"hindi na siya puwede mag-boxing hahaha"
"nose lift?"
"mas gusto ko yung orig na mukha niMichael bagay sa kanya yung panga"
"Nagpretoke si sir michael pero ang gwapo bumagay sa kanya"
"Parang hindi na si michael iba na ang hugis ngbilong hehehehe new michael pero bagay sa kanya new face nya kaya lng nakakamis din mukha ni michael dati"
"Lalo ni gwapo parang nag paayos Ng nose,it's okey Pera Naman nila Yan bawal judgmental Dito"
"Nagpa tangos ng ilong anak"
Isang netizen naman ang nagsabing tila hindi naman daw si Michael ang kausap nina Pacman at Jinkee at iba pang tao.
Pero tinuwid na siya agad ng mga netizen at sinabing si Michael nga iyon.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Councilor Michael tungkol dito.