Usap-usapan ngayon sa social media ang umano’y bagong yugto sa personal na buhay ng social media personality na si Meiko Montefalco, matapos mapansin ng mga netizen ang tila pag-“hard launch” niya ng isang bagong lalaking nagpapasaya sa kaniya.
Dahil dito, marami ang nagsasabing tila “nag-upgrade” na umano ng boyfriend si Meiko, ilang buwan matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ng mister.
Matatandaang noong Mayo 2025, umugong sa social media ang sunod-sunod na pasabog ni Meiko kaugnay ng umano’y panloloko sa kanya ng asawang si Patrick Bernardino.
Viral noon ang hayagang pagkompronta ni Meiko sa kaniyang mister, kung saan inilahad niya ang detalye ng umano’y pagsisinungaling at pakikipag-ugnayan nito sa isang sinasabing kabit habang siya ay nasa Boracay.
Ayon kay Meiko, hindi ito ang unang beses na hinarap niya ang isyu ng cheating sa kanilang relasyon. Ibinahagi rin niya na nagpasya siyang i-record ang komprontasyon upang magsilbing ebidensya, dahil aniya, dati na niyang pinatawad ang asawa nang wala siyang sapat na nalalaman.
“I decided to record this confrontation to serve as my evidence. I was able to forgive before because I didn’t know anything,” pahayag ni Meiko sa isa sa kanyang mga viral na video.
Lalong ikinagulat ng publiko ang diretsahang pagtatanong ni Meiko sa kaniyang asawa tungkol sa umano’y naging pisikal na ugnayan nito sa sinasabing other woman—isang bahagi ng video na mabilis na kumalat at umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen.
Dagdag pa niya, mas masakit umano ang kaniyang nalaman dahil mismong sa kanilang wedding anniversary ay may naganap pa raw na hindi kanais-nais sa pagitan ng kanyang asawa at ng nasabing babae.
Inamin ni Meiko na minsan na siyang nakipagbalikan kay Patrick alang-alang sa kanilang anak at sa pag-asang mabuo pa ang kanilang pamilya. Gayunman, iginiit niya na sa pagkakataong ito ay hindi na niya palalagpasin ang nangyari at desidido na siyang huwag nang balikan ang mister.
Kaugnay na Balita: Content creator, pinagpiyestahan sa pangongompronta sa umano'y nangaliwang asawa!
Nitong 2026 nga, nagkalat sa iba't ibang social media platforms ang tungkol sa isang lalaking kasa-kasama niya, na urot ng mga netizen ay tila "upgrade" malala.
Isang netizen pa nga ang nagsabing "mula raw sa Nokia 3210, nag-upgrade si Meiko sa "iPhone 17 Pro Max."
Maging ang sikat na social media personality na si "Senyora," binati rin ito.
"Good morning sa lahat! Lalo na kay Meiko na napunta na rin sa tunay na tao. Congrats!" aniya.
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
"from nokia 3310 to iphone pro max ,fully paid."
"From ingrown to full grown man"
"From sigbin to prince charming"
"From karinderia to fine dining"
"Grabe namang upgrade yan hahahaha"
"From sausage to hungarian."
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Meiko tungkol dito.