January 07, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Solo travel... together? BINI Jhoanna at Skusta Clee, iniisyung magkasama sa Vietnam

Solo travel... together? BINI Jhoanna at Skusta Clee, iniisyung magkasama sa Vietnam
Photo courtesy: Jhoanna Robles, Skusta Clee (IG)

"Magka-date ba sila?"

Iyan ang urirat ng mga marites na netizen matapos daw mapansing tila pareho ng mga pino-post na pinuntahang lugar sa Vietnam ang lider ng Nation's girl group na "BINI" na si Jhoanna Robles at rapper-singer na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang si "Skusta Clee."

Usap-usapan nga sa iba't ibang social media platforms lalo na sa Reddit ang tila umano'y pagkakapareho raw sa mga flinex na lugar sa Vietnam nina BINI Jhoanna at Skusta Clee, nang magkahiwalay, kaya naman, iniintriga ng mga malisyosong netizens na umano'y magkasama sila. 

"Exactly the same place: Temple of Literature (J standing, S sitting, parehong first pic and both have the identical bonsai pot). Same area: Old Quarter, Hoan Kiem (J night food street + ice cream, S “see you again” neon signage). Same area: French Quarter, Hoan Kiem (J busy daytime intersection, S french-style balconies),” sey ng isang netizen.

Tsika at Intriga

'Kung sino-sino lang kasi nakaupo sa Pinas eh!' John Manalo, inokray glass walkway sa Benguet

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens na mababasa sa comment section ng post ni BINI Jhoanna.

"Luhhh, di porket same destination sila, may something na? 8080 pa rin kayo kahit 2026 na. Emew."

"Live life, Jho~ Tama lang 'yung 2026 mantra mo. Don't let anyone ruin your happiness & your peace. Loveee youuu always."

"Idebunk mo na yung issue, Jho. Malala na masyado. Please magsalita ka na. Alam ko hindi totoo yan. Matalino kang tao."

"Kaya ba 'I choose my own happiness...' ang motto for 2026? Wala naman talaga kaso kung matino yung lalaki eh, pero kung totoo man, bakit siya."

"I love you, Jho. Basta tiwala ako sa choices mo at alam kung pinalaki kang maayos ng mama jhona mo."

"Respect yourself, beh. Wag naman magjowa ng tarantadong manchild."

"Hahhaahaha. Chaka ng taste."

"kailangan mo na magbigay ng statement denying the rumor, masyado ng lumalaki."

Samantala, wala namang mababasa sa comment section ng Instagram post ni Skusta Clee dahil naka-turn off ito. Pero sa ibang posts, doon bumanat ang mga nang-uurirat na netizens.

"bat inoff mo comments mo sa vietnam post? takot ka bang kuyugin ka ng blooms?"

"papansin si Koya. Sinadya na magpapic sa same loc na pinuntahan ni Jho. Kapal ng mukha. wala kang chance kay Jho."

"paldo si idol"

"iba ka talaga ya"

"Anong meron sa inyo ni BINI Jhoanna?"

Si Skusta Clee ay dating karelasyon ng social media personality na si Zeinab Harake, na ngayon ay misis na ng Fil-Am basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr.

Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ng dalawang artists tungkol sa isyu.