Mas mataas ng 82% ang road crash injuries nitong 2025 kumpara noong 2024 holiday season, ayon sa Department of Health (DOH).
Ayon sa ulat ng ahensya nitong Biyernes, Enero 2, 2026, pumalo sa 1,113 ang kabuuang bilang ng road crash injuries mula noong Disyembre 21, 2025 hanggang 5:00 nitong Enero 2. Mas mataas daw ito ng 82% kumpara noong 2024.
Base sa datos ng 10 sentinel hospitals na binabantayan ng DOH, 135 sa kabuuang bilang ang may impluwensya ng alak, 965 naman ang hindi gumamit ng safety accessories gaya ng helmet at seatbelt, at 787 naman ang motorcycle road crash.
Samantala, ang motorsiklo naman ang nangunguna sa road crash injuries nitong nagdaang holiday season.
Maki-Balita: Motorsiklo, nangunguna sa road crash injuries; 5 tepok