February 01, 2026

Home BALITA National

Mga hindi maipuputok na paputok, isuko na lang sa awtoridad!—PNP

Mga hindi maipuputok na paputok, isuko na lang sa awtoridad!—PNP
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Nagbigay ng paalala ang Philippine National Police (PNP) sa dapat gawin para sa mga paputok na hindi magagamit o pasasabugin sa selebrasyon ng paparating na Bagong Taon. 

Ayon sa naging pahayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Anthony Aberin nitong Miyerkules, Disyembre 31, sinabi niyang mas ligtas daw i-surrender ng taumbayan ang mga firecracker na hindi mapapasabog sa PNP o Bureau of Fire Protection (BFP). 

“Ang mensahe po natin sa publiko ay i-surrender na lang sa inyong kapulisan or sa Bureau of Fire [Protection]... ang mga firecrackers na hindi n’yo po papasabugin,” aniya. 

Ani Aberin, huwag daw basta sarilihin na lang ang pagdi-dispose ng mga hindi magagamit na paputok. 

National

'Ani ng Sining: Katotohanan at Giting,' tema ng National Arts Month 2026

“Huwag po n’yong sarilining i-dispose ang mga ito kasi may mga proseso tayong sinusundan,” saad niya. 

Dagdag pa niya, dapat daw ang mga awtoridad na may alam at propesyonal ang mag-dispose ng ganoong delikadong mga bagay. 

“At ang mga taong mas professional po na gagawa po nito ay ‘yong mga taga-AOD at taga-Bureau of Fire [Protection], or dito po sa ating kapulisan,” pagtatapos niya. 

Kaugnay nito, nauna nang pangunahan ni Aberin ang pagsisira sa mga nakumpiska ng iba’t ibang distrito ng pulisya sa mga ilegal na paputok at boga nito ng Miyerkules, Disyembre 31, na isinagawa nila sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City. 

Nagpaalala rin si Aberin sa publiko na huwag nang gumamit ng mga ilegal na paputok para maiwasan ang bilang ng mga aksidenteng ng nasabugan sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Mga dapat gawin kapag nakasubo o nakalunok ng paputok

MAKI-BALITA: ALAMIN: Bakit nagpapaputok kapag Bagong Taon?

Mc Vincent Mirabuna/Balita 

Inirerekomendang balita