February 04, 2026

Home BALITA Internasyonal

Brazil ex-president na nasa kulungan, pinaospital dahil sa 'pagsinok'

Brazil ex-president na nasa kulungan, pinaospital dahil sa 'pagsinok'
Photo courtesy: via AP News

Sumailalim sa isang medical procedure noong Sabado, Disyembre 27 ang dating Pangulo ng Brazil na si Jair Bolsonaro upang gamutin ang matagal na niyang nararanasang paulit-ulit na hiccups o pag-sinok, ayon sa kaniyang medical team.

Ang 70-anyos na dating pangulo, na kasalukuyang pinagdudusahan ang 27 taong pagkakakulong kaugnay ng tangkang kudeta, ay pansamantalang pinalaya mula sa bilangguan noong Miyerkules, Disyembre 24, 2025, upang sumailalim sa operasyon sa singit dahil sa hernia sa DF Star Hospital sa Brazil.

Isinagawa ang naturang operasyon noong Huwebes, Disyembre 25, at naging maayos naman ang resulta. Nanatili sa ospital si Bolsonaro sa loob ng ilang araw para sa patuloy na obserbasyon.

Habang siya ay naka-confine, napagpasyahan ng kaniyang mga doktor na kailangan siyang isailalim sa anesthetic block ng phrenic nerve, ang ugat na kumokontrol sa diaphragm, upang matigil ang kaniyang recurring hiccups.

Internasyonal

AI, nakatulong na sa mga doktor na maispatan breast cancer

Ayon sa doktor niya, ginamitan ng ultrasound upang matukoy ang lokasyon ng ugat bago ito tinurukan ng lokal na pampamanhid. Sinabi naman ng isa pang doktor na maayos ang isinagawang procedure noong Sabado, Disyembre 27.

Tinatayang tumagal ng humigit-kumulang isang oras ang proseso at hindi ito itinuturing na operasyon dahil walang ginawang paghiwa sa katawan. Ang kanang bahagi ng phrenic nerve ang ginamot noong Sabado, habang nakatakdang isagawa ang procedure sa kaliwang bahagi sa Lunes, Disyembre 29.