‘I-LET GO MO NA YAN!’
Nagbahagi ang isang content creator ng ilang paraan kung paano tuluyang bibitiwan ng mga tao ang bitbit nilang “excess baggage” bago ang nalalapit na pagtatapos ng taon.
Sa ibinahaging social media post ni Dr. Kilimanguru noong Huwebes, Disyembre 25, mababasang inisa-isa niya kung paano epektibong bitawan ang mga excess baggage na dala ng 2025.
“1 week nalang bago 2026. Make sure dala dala mo lang yung essentials. Itapon ang excess baggage,” saad ni Dr. Kilimanguru sa kaniyang post.
Aniya, “You can’t focus on what matters in 2026 kung dala mo pa [‘yong] excess baggage ng 2025. So, mag-declutter ka. Unfollow or block people/pages na hindi ka tinutulungan mag-grow, cut the access [and] remove people who keep reopening the wound.”
“Delete photos, conversations, and reminders of relationships that already expired; i-release mo [‘yong] stress…Isulat mo, lakad ka, umiyak ka, huminga ka. Don’t store it in your body; at bitawan mo na [‘yong] lumang beliefs na pumipigil sa’yo umusad,” pagiisa-isa pa niya.
Nilinaw niya ring hindi kailangan ng isang tao na simulan ang 2026 nang nakangiti, bagkus kailangan daw ay “unburdened” ito bago pumasok ang taon.
Photo courtesy: Dr. Kilimanguru/FB
Sinusuportahan naman ng “Aisles of Life” ang mga naging pahayag ng naturang content creator. Ayon sa kanila, dapat daw na i-let go ng isang tao ang mga bagay na pumipigil sa kaniya.
“What’s the point of holding onto things that aren’t fostering your growth? One of the best things to do before New Year starts is to find ways to let go of things that are holding you back, for instance, your past, grudges, an unsatisfactory job, toxic relationships, and bad habits,” anila.
Paraan din daw upang epektibong pasukin ang bagong taon ay mag-reflect sa nagdaang mga buwan, ilista ang mga bagay na ipinagpapasalamat, at magkasa ng bagong “goals” at “plans” para sa darating na taon.
Vincent Gutierrez/BALITA