February 01, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Albie Casiño, engaged na sa non-showbiz girlfriend

Albie Casiño, engaged na sa non-showbiz girlfriend
Photo Courtesy: Albie Casiño (IG, FB)

Inalok na ng aktor na si Albie Casiño ang non-showbiz girlfriend niyang si Michelina para magpakasal.

Sa latest Facebook post ni Albie noong Sabado, Disyembre 20, makikita ang serye ng mga larawan matapos ang kaniyang marriage proposal.

“The proposal Thank you Lord “ saad ni Albie sa caption ng post.

Samantala, sa Instagram stories naman ng aktor ay makikita ang mga ni-repost niyang video na kuha ng mga kaibigan niya nang lumuhod siya para yayain ng kasal si Michelina.

Relasyon at Hiwalayan

Sa gitna ng hiwalayan issue: John Lloyd Cruz, Isabel Santos naispatang magkasama sa Thailand

Matatandaang Mayo 2024 nang maiulat na isa nang ganap na ama si Albie.

Maki-Balita: Albie Casiño, isa nang ganap na ama

Nagsimula namang mag-date sina Alibe at Michelina noong 2023.