Nagbunyi si Optimum Star Claudine Barretto na hindi kabilang ang ateng si Gretchen Barretto sa mga indibidwal na inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) na kasuhan kaugnay sa isyu ng mga nawawalang sabungero.
Ibinahagi sa Facebook post ng DOJ ang press statement kaugnay ng rekomendasyon sa kaso, Martes, Disyembre 9.
Anila, may sapat umanong paunang ebidensya o "prima facie evidence" na nakita ang panel of prosecutors upang isampa sa korte ang mga kasong kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention laban sa negosyanteng si Ang at iba pang mga personalidad na umano'y may kaugnay sa misteryosong pagkawala at pagdukot sa mga sabungero mula taong 2021 hanggang 2022.
Nangunguna sa listahan ang kaibigang negosyante ni Gretchen na si Atong Ang, at iba pang mga personalidad na aabot sa higit 20 katao.
"DOJ finds Prima Facie Evidence with Reasonable Certainty of Conviction to Charge Charlie Tiu Hay Ang @ Atong Ang and 21 other Respondents with Kidnapping With Homicide and/or Kidnapping With Serious Illegal Detention," mababasa sa caption.
Mababasa sa pahayag na nakitaan ng panel of prosecutors ng prima facie evidence with reasonable certainty of conviction to indict para sa 10 counts of kidnapping with homicide si Ang at iba pang mga personalidad, gayundin sa kidnapping with serious illegal detention; sa kabuuan, aabot sa 26 ang maaaring kasuhan sa korte para sa trial.
Tungkol naman sa iba pang mga respondent, ang mga kaso ay ibinasura nang walang paglabag sa karapatang muling maghain ng reklamo sa DOJ, sakaling may lumitaw na mga ebidensiyang direktang mag-uugnay sa kanila sa mga gawaing ilegal na pagkakakulong.
Kaugnay na Balita: Atong Ang, Gretchen Barretto, kinaladkad sa isyu ng mga nawawalang sabungero
Hindi naman kasama sa listahan ang pangalan ang aktres.
Matatandaang isa si Gretchen sa mga pangalang binanggit ng saksing si Julie "Dondon" Patidongan na umano'y isa sa mga mastermind sa umano'y pagpaslang sa mga nawawalang sabungero, na umano'y itinatapon ang mga bangkay sa lawa ng Bulkang Taal sa Batangas.
Kamakailan lamang, nagsadya si Gretchen sa DOJ kasama ang legal counsel na si Atty. Alma Mallonga, upang magbigay ng mga ebidensyang magpapatunay na wala siyang kinalaman sa mga umano'y ibinibintang sa kaniya.
Samantala, nagbigay naman ng pahayag si Mallonga matapos na lumabas ang listahan ng DOJ at hindi mapabilang dito ang pangalan ng kliyente.
"Thankfully, the Department of Justice agreed, ruling that the accusations were based on speculation and uncorroborated, and thus dismissed the complaint against her for lack of merit,” aniya.
Kaugnay na Balita: 'Wala sa listahan!' Gretchen Barretto, etsapuwera ng DOJ sa kaso ng mga nawawalang sabungero
Going back kay Claudine, ibinahagi niya ang isang online article tungkol sa dismissal ng complaint laban kay Gretchen.
"the truth is out! god is on our side always! your strength amazes me. i will celebrate you from a far while i work and in my prayers. to god to be glory!" mababasa sa caption ni Claudine.
Photo courtesy: Screenshot from Claudine Barretto/FB
Gumamit pa siya ng hashtags na "Justice will prevail" at "Proud sister."