December 13, 2025

Home BALITA Metro

Nag-ugat sa ubo! Rowena Guanzon, ipinaliwanag bakit na-beast mode, nagwala sa mall

Nag-ugat sa ubo! Rowena Guanzon, ipinaliwanag bakit na-beast mode, nagwala sa mall
Photo courtesy: Screenshot from Bing Guanzon (FB)

Nagbigay ng paliwanag si dating Commission on Election (Comelec) Commissioner Atty. Rowena Guanzon kaugnay ng viral video ng pagwawala niya sa loob ng isang kilalang mall sa Makati City, na ayon sa kaniya, bunsod ng engkuwentrong naranasan sa isang mag-asawang Chinese, gabi ng Sabado, Disyembre 6.

Sa kaniyang Facebook post, madaling-araw ng Linggo, Disyembre 7, ibinahagi ni Guanzon na siya ay na-high blood habang nasa loob ng mall at kinailangan pang asistihan ng mga medics.

Ayon sa kaniya, nagsimula ang insidente matapos siyang umubo nang isang beses dahil sa makating lalamunan, dahilan upang sabihan umano siya ng isang Chinese national na umalis sa mall dahil siya raw ay “contagious.”

Iginiit ni Guanzon na wala umanong karapatan ang lalaki na paalisin siya sa isang pampublikong lugar. Aniya, kung takot itong magkasakit, ito ang dapat umiwas sa mga mataong lugar.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Humingi siya ng paumanhin mula sa lalaki ngunit tumanggi umano itong mag-sorry at sa halip ay tiningnan pa siya mula ulo hanggang paa.

Ayon pa kay Guanzon, sinabihan pa siya ng lalaki na hindi raw ba niya kayang bumili ng face mask, na kaniyang itinuring bilang isang mapangmata at bastos na pahayag. Dahil dito, tuluyan nang uminit ang sagutan ng dalawa.

Kalaunan, nagsampa ng reklamo si Guanzon sa Makati Central Police Station laban sa naturang lalaki na pinangalanan niyang “Chiong.”

Aniya, nagpakumbaba at humingi ng paumanhin ang asawa ng lalaki, ngunit siya mismo ay hindi umano nag-sorry at sa halip ay dinilatan pa siya.

Ibinunyag din ni Guanzon na nang babasahan na umano ng Miranda Rights ang mag-asawa, tumakas ang lalaki sa tulong ng kanilang abogado—isang hakbang na kaniyang kinuwestiyon at itinuring na posibleng paglabag sa legal ethics.

Mababasa sa buong Facebook post ni Guanzon, published as is, "Na high blood ako kanina .(last night) Ang taas. Medics had to assist me in Rockwell Mall."

"Sabihan ba naman ako ng Chinese na umalis sa Rockwell mall because I am CONTAGIOUS after I coughed once due to an itchy throat . He said 'you are coughing you should not be in the mall. Leave.'"

"Am pootah sya nga ang hindi taga Makati ako pa papalayasin nya."

"I told him if you are sick or afraid to get sick you should not be in a mall. You have no right to tell me to leave. I demanded an apology but he refused and instead looked at me head to toe. yho de puta."

"Kung maka utos parang amo ko sya. Matapobreng hindi naman mayaman. Sinabihan ako 'cant u afford to buy a mask?'

Sinigawan ko You dont even wear a Rolex or a Gucxi. Matapobre."

"Pangalan nya Chiong. Nag file ako ng complaint sa Makati central police station. Ang asawa nya ng apologize pero sya hindi. Dinilatan pa ako! Nang babasahan na sila ng Miranda Rights ng police investigator, tumakas ! Tinakas ng lawyer nila.

Mga atorni, gagawin nyo ba yon ? Itakas ang kliyente nyo.? Hindi ba that is against our code of conduct as lawyers? Mananagot ka din kagaya ni Martin Looter," aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from Rowena Guanzon/FB

Sa ngayon, wala pang pahayag ang kabilang panig tungkol sa alegasyon, habang patuloy namang tinututukan ng publiko ang isyu na umani na ng sari-saring reaksyon sa social media.