Tila hindi sang-ayon si Vice President Sara Duterte sa pagkakasuspinde kay Cavite 4th District Kiko Barzaga sa Kamara.
Ayon sa inilabas na pahayag ni VP Sara sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Disyembre 3, sinabi niyang hindi dapat ituring na banta ang pagsalungat ng ilang indibidwal.
“In a nation that takes pride in democracy, dissent should not be treated as a threat. The right to speak freely is not granted by those in power; it is a fundamental right guaranteed and protected by our very Constitution,” aniya.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Democracy demands courage!’ VP Sara, 'di pumabor sa pagsuspinde sa Kamara ni Kiko Barzaga
Ani VP Sara, karapatan ng bawat Pilipino ang magsiwalat ng katotohanan at ang nangyari kay Barzaga ay maaari raw mangyari rin sa mga ordinaryong Pilipino.
“Karapatan ito ng bawat Pilipino, lalo na ng mga lingkod-bayan na may tungkuling magsiwalat ng katotohanan. Kaya kung ang isang halal ng bayan tulad ni Cong. Barzaga ay maaaring patahimikin, paano pa ang mga ordinaryong Pilipinong wala namang kapangyarihan o posisyon?” pagkukuwestiyon pa niya.
Pagpapatuloy pa niya, salik ng demokrasya ang katapangan, kalayaang magsalita at magtanong.
“Democracy demands courage. Democracy demands the freedom to speak and the freedom to question,” pagdidiin niya.
“I stand with every Filipino who refuses to be intimidated,” pagtatapos pa niya.
Matatandaang sinupalpal ng Kamara si Barzaga matapos siyang suspendehin ng 60 araw nang walang suweldo noong Lunes, Disyembre 1, base sa rekomendasyon ng House ethics committee.
MAKI-BALITA: 'Guilty sa ethics complaint!' Kiko Barzaga, 60 araw suspendido, wala ring suweldo
Sa plenary session, binasa ni 4Ps Rep. JC Abalos ang findings ng komite na nagsasabing nagkasala si Barzaga ng disorderly behavior dahil sa umano’y hindi angkop at bastos na mga post at larawan sa kaniyang social media accounts.
Umabot sa 249 kongresista ang bumoto pabor sa suspensyon, habang 11 ang nag-abstain at 5 ang kumontra.
MAKI-BALITA: Banat ni Barzaga: Maraming congressman may kabit, 'di na-eethics complaint!
MAKI-BALITA: Barzaga, ginagamit pangalan ni PBBM para magpakalat ng disimpormasyon—Palasyo
Mc Vincent Mirabuna/Balita