December 13, 2025

Home BALITA National

Harry Roque, binoldyak mga balitang hinuli siya ng awtoridad pabalik ng bansa

Harry Roque, binoldyak mga balitang hinuli siya ng awtoridad pabalik ng bansa
Photo courtesy: Harry Roque (FB)

Muling pinabulaanan ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque ang umano’y mga kumalat na balita tungkol sa pag-aresto sa kaniya ng mga awtoridad pabalik ng bansa.

Ayon sa naging post ni Roque sa kaniyang Facebook page nitong Miyerkules, Nobyembre 26, makikita ang mga larawan ng screenshot niya sa mga balitang mabilis na kumalat noong Martes, Nobyembre 25, 2025.

“#DismissDisinformation No to #FakeNews ,” mababasa sa caption ng naturang post ni Roque.

Photo courtesy: Harry Roque (FB)

Photo courtesy: Harry Roque (FB)

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Matatandaang pinabulaanan na rin ni Roque ang mga kumalat na balita noong Martes na umano’y nadampot o inaresto siya sa Netherlands.

MAKI-BALITA: Roque, 'di nasakote: 'There is no truth to the rumors that I have been arrested!'

“There is no truth to the rumors that I have been arrested,” ani Roque sa kaniyang Facebook post.

Nilinaw rin ng dating opisyal na nakatakda ang kaniyang biyahe papuntang Vienna, Austria noong Martes.

Bago nito, matatandaan ding kamakailan lamang, inilabas na ang arrest warrant laban kay Roque laban sa umano'y kinahaharap na kasong qualified human trafficking na iniuugnay sa (Philippine Offshore Gaming Operator) POGO.

Dahil dito, naglabas na rin ang korte ng kanselasyon ng kaniyang pasaporte.

KAUGNAY NA BALITA: PH gov't., humiling ng Interpol red notice laban kay Harry Roque

Ayon naman sa paliwanag ni Roque, ipinaliwanag niyang hindi pa raw pinal na kanselado ang pasaporte niya at mayroon siyang 15 bilang ng mga araw para mag-file ng motion for reconsideration.

MAKI-BALITA: Roque, maghahain ng 'motion for reconsideration' sa pagkansela ng kaniyang pasaporte

KAUGNAY NA BALITA: Harry Roque sa pagkansela ng Korte sa kaniyang pasaporte: 'Iyan ay panggigipit sa akin'

Mc Vincent Mirabuna/Balita