Tila walang panghihinayang ang naging pambato ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo sa naging paglaban niya sa ginanap na Miss Universe 2025.
Ayon sa naging panayam ng beteranong journalist na si Dyan Castillejo kay Ahtisa matapos ang naging laban niya sa Miss Universe nitong Biyernes, Nobyembre 21, sinabi niyang masaya siya sa anomang naging resulta ng naturang pageant.
“I’m very happy,” ani Ahtisa.
Pagpapatuloy pa niya, kuntento raw siya dahil ginawa niya ang lahat para subuking makuha ang korona.
“I’m happy and content. I did my best, that's all I can do,”pagtatapos pa niya.
Bukod dito, nauna na ring magbigay ng mensahe si Ahtisa para sa mga Pilipinong naniwalang masusungkit niya ang korona.
MAKI-BALITA: ‘Things like that happen!' Ahtisa Manalo, thankful pa rin sa resulta ng Miss U
“That's okay. Things like that happen, that's out of our control. But, maraming, maraming salamat po sa suporta, always sa pagmamahal n'yo,” aniya.
Dagdag pa niya, “Let's see what's next for me. There are more things to life... I'm very happy. This happened because of everyone around me. My team, the fans, the organization, I'm just really proud that I was able to represent with all the best I could.”
Matatandaang hindi pinalad na masungkit ni Ahtisa ang korona ng Miss Universe sa ginanap na 74th Miss Universe nito ring Biyernes, kung saan itinanghal ang pambato ng Pilipinas na si Ahtisa bilang 3rd runner-up.
MAKI-BALITA: 'Di nasungkit ang korona!' Pilipinas, 3rd runner-up sa Miss Universe 2025
Ang kinoronahang Miss Universe 2025 ay si Fatima Bosch ng Mexico, habang 4th runner-up ay ang Côte d'Ivoire, 2nd runner-up naman ang Venezuela, at 1st runner-up ang Thailand.
Matapos nito, tila proud moments pa rin sa mga Pilipino at celebrities ang ipinakitang dedikasyon ni Ahtisa sa Miss Universe 2025.
MAKI-BALITA: 'She won it!' Meme Vice, proud pa rin sa hard work na pinakita ni Ahtisa sa Miss U
Kagaya na lamang ng naging pahayag ng Unkabogable Star na si Vice Ganda patungkol kay Ahtisa matapos lumabas ang resulta sa nasabing kompetisyon.
“Philippines let us all CONGRATULATE Ahtisa Manalo!!! She worked hard, performed well and WON it!” mababasa sa Facebook post ni Meme Vice nito ring Biyernes.
MAKI-BALITA: ‘Balitagtad ang pagkabasa!’ Pagkanapalo ng Mexico sa MU 2025, nabahiran ng kulay—pageant blogger
MAKI-BALITA: ALAMIN: Mga sagot ng Top 5 candidate sa Miss Universe 2025
Mc Vincent Mirabuna/Balita