December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Bea Borres kay Valentine Rosales: 'He demands kindness but you're not even kind'

Bea Borres kay Valentine Rosales: 'He demands kindness but you're not even kind'
Photo Courtesy: Bea Borres, Valentine Rosales (FB)

Pinasaringan ni Bea Borres ang kapuwa niya social media personality na si Valentine Rosales dahil sa paghirit nito ng “kindness” sa publiko.

Maki-Balita: Valentine Rosales, kinukuyog matapos pagkasawi ng ex-BF ni Gina Lima

Sa latest Facebook post ni Bea nitong Miyerkules, Nobyembre 19, sinabi niyang ang ironic na humihingi ngayon ng kindness si Valentine gayong mismong siya ay hindi mabuting tao.

“[B]e kind but ure a bully hahahahahahahaha sorry ha i never made patol to him before but its just so ironic lang how he demands kindness but ure not even kind HAHAHAH,” saad ni Bea sa caption ng post.

Relasyon at Hiwalayan

Bianca De Vera, kering pagsabayin 2 lalaki sa isang relasyon?

Kasalukuyang pinag-uusapan si Valentine sa platform na X (dating Twitter) dahil sa akusasyon niya laban kay Ivan sa ginawa umano nito kay Gina.

Matatandaang ayon sa ulat ng TV Patrol noong Nobyembre 18, napansin umano ni Ivan na tila hindi na humihinga si Gina noong magkasama sila sa isang condominum unit sa Quezon City noong Nobyembre 16.

Kaya dinala niya ang dating nobya sa ospital ngunit idineklara na itong dead on arrival pagdating doon.

Dahil dito, lumutang ang mga espekulasyon na si Ivan ang nasa likod ng nasabing insidente. 

“Hoy!!!! Ivan Cezar Ronquillo kahit mag Deativate ka pa ng Facebook mo! Hindi ako papayag na walang hustisya sa Pagkamatay niya Gina Lima! Hayop ka mas matangkad kapa sakin tapos yung bubogbogin mo Babae na wala pa sa kalahati ng laki mo?” saad ni Valentine sa kaniyang Facebook post, as is published.

Ngunit batay sa autopsy report ng Quezon City Police Department (QCPD) Forensic Unit, hindi namatay si Gina sa mga pasang nakita sa hita nito. 

“Autopsy findings: Presence of non-fatal external injuries; Presence of heart congestion, congested and edematous lungs,” sabi sa ulat.

Maki-Balita: VMX actress Gina Lima, ‘di namatay sa bugbog—QCPD

At nito ring Miyerkules, Nobyembre 19, napabalita naman ang tungkol sa pagkamatay ni Ivan, na batay sa mga lumalabas na espekulasyon, ay nagkitil ng sariling buhay dahil umano sa nangyari kay Gina.

Maki-Balita: VMX actress Gina Lima, ‘di namatay sa bugbog—QCPD

Bagama’t humingi na si Valentine ng pasensya at nagpaabot ng pakikiramay sa naiwang pamilya ni Ivan, iginiit niyang isa lang din siyang biktima ng maling impormasyon.

Aniya sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Nobyembre 19, as is published, “[Goodmorning, kakagising ko lang and yes, I heard the tragic news, I feel sorry and my deepest condolences go out to both the family of the bereaved to my Bebe Ivan and baby Gina. Unang una sa lahat bat ako ang sinisisi ninyo sa pag Su*c*de niya? eh tulad niyo! biktima din ako ng mis-Information dahil kay Kevin Tan ko lang din nalaman na kako binugbog daw ni Ivan si Gina, Which as a friend ang initial reaction ko is galit at poot kaya nag posts ako regarding the information I received.”

“Ngayon kayong mga nag share at nakichismis kaya nag Viral yun ay ang may kasalanan dahil di naman yun kakalat at magiging ingay kung wala din naman naniwala at hindi din niyo shinare ang post kong yun. Tulad niyo ay isa rin akong biktima! Sa tingin niyo kanino ko nalaman yung mga details tulad ng cause of death? oras? at hospital? edi sa mutual friends din namin. Which is hindi ko na idadamay dahil hindi ako tulad niyo na nag hahanap ng sisisihin. tignan niyo nga! humingi ang ABS CBN at GMA news sakin ng mga information.”

“But Since wala pang official reports and autopsy findings hindi ako nag bigay ng statement ko kasi nga hindi naman sakin nangaling ang news na yan at pinaka huli sa lahat Bakit hindi na kita mahanap dito sa FB Kevin Tan?”

“Just A Reminder for everyone: Please be kind, you don’t know how much your words and actions can affect someone, emotionally, mentally, and physically. Stop negativity.”